
Ramdam agad ang excitement sa kauna-unahang back-to-back quiz showdown ng GMA Comedy Group x YouLOL matapos mapuno ang lahat ng registration slots sa loob lang ng isang oras.
Tampok sa event ang Family Feud Quiz Night at YouLol Trivia Night na gaganapin ngayong Linggo, July 12, sa Supersam, Scout Tobias, Quezon City.
Magsasama-sama ang mga registered teams para subukan ang kanilang kaalaman sa dalawang exciting na quiz competitions.
PHOTO SOURCE: YouLol
Unang gaganapin ang "Family Feud Quiz Showdown" mula 5:00 PM hanggang 7:00 PM. Susundan naman ito ng "Pinoy Pop Culture YouLol Trivia Night" mula 8:00 PM hanggang 10:00 PM.
Dahil sa dami ng gustong sumali, agad na napuno ang lahat ng available slots kaya isinara na ang registration. Patunay ito kung gaano ka-excited ang fans para sa kauna-unahang GMA Comedy Group x YouLOL quiz showdown na siguradong siksik sa saya at friendly competition.
Paalala ng YouLol sa mga registered teams: "Sa mga nakapag‑register na teams, mag‑review na! See you!"