GMA Logo Family Feud
What's on TV

'Family Feud,' umaapaw ang papremyo ngayong Hulyo

By Jimboy Napoles
Published July 3, 2024 12:20 PM PHT
Updated July 10, 2024 4:10 PM PHT

Around GMA

Around GMA

OFW recalls experience saving child and old woman from HK residential fire
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Family Feud


Mahigit PhP 2 million ang ipamimigay ng 'Family Feud' linggo-linggo simula sa July 8.

Umaapaw ang papremyong ipamimigay ng paboritong game show sa buong mundo na Family Feud ngayong buwan ng Hulyo.

Simula sa July 8, mahigit PhP 2 million ang ipamimigay linggo-linggo hindi lamang studio players kung 'di maging sa team bahay na laging nakatutok sa Family Feud.

Araw-araw, may chance na manalo ng PhP20,000 ang TV audience sa “Guess To Win” promo ng game show.

Good news pa dahil maglalabas na rin ng “Guess To Win” promo questions sa GMA Afternoon Prime kaya ang avid viewers ng Abot-Kamay na Pangarap, Lilet Matias Attorney-At-Law, Fast Talk with Boy Abunda, Voltes V: Legacy, at Eclipse of the Heart ay puwede na ring sumali at manalo rito.

Abangan lamang ang additional “Guess To Win” promo questions sa commercial gaps ng mga nabanggit na afternoon programs.

Para sa mga sasali sa Guess To Win promo, i-submit lamang ang inyong mga sagot dito:

Samantala, may chance na rin na manalo ng instant cash ang dalawa sa studio audience ng Family Feud. Araw-araw, pipili ang game master na si Dingdong Dantes ng dalawang tao mula sa studio audience na huhula sa survey answer na hindi nahulaan ng studio guest players. Kapag tama ang kanilang sagot, sila ay mag-uuwi ng PhP5,000 each.

Talagang uulan ng saya at babaha ng papremyo dahil dito sa Family Feud, ang buong Hulyo FUNalo!

Patuloy lang manood ng Family Feud, 5:40 p.m. bago mag-24 Oras sa GMA 7. Puwede rin itong mapanood sa official Family Feud Facebook page at may livestreaming worldwide via the official YouTube channel ng Family Feud at Kapuso Stream.