
Iba't ibang opinyon mula sa viewers ang nakita online sa recent episode ng Family Feud.
Nag-viral ang Family Feud Facebook reel with 3.3 million views dahil sa sagot ni Joven "Vhen" Sagabin mula sa team na The Gym Gods. Ang pinag-usapang topic ay mula sa Fast Money Round kung saan itinanong sa Family Feud kung ano ang pagkaing may ingredient na kamote. Ang sagot ni Vhen dito ay barbecue kung saan 0 ang lumabas na score sa board.
Hati ang naging opinyon ng netizens dito, may ilang nagsabing tama ang naging sagot ni Vhen.
Saad ng netizen, "Only illonggos can relate." Depensa naman ng isang netizen, "Sa ilonggo kasi sa amin 'pag sinabi mo barbecue...(kamote cue or banana cue)"
Komento pa sa video na ito, "Ilonggo term kc [kasi] ang camote. Barbecue Yan Pati ang banana cue barbecue tawag."
Isa rin ang nagpaliwanag kung bakit maaaring barbecue ang sagot dito. "It's not wrong. That's exactly why we have what's called regionalism or lexical variation, because growing up in Iloilo, we often use different terms compared to other regions. For example, we call anything that's grilled or cooked over fire inasal -- whether it's pork, chicken, Meanwhile, the word barbecue can also refer to banana cue or other skewered snacks, not just meat. It's interesting how words can mean different things depending on where you're from, and it just shows how rich and diverse our local languages and dialects are."
PHOTO SOURCE: Facebook
Samantala, may ilan ding nagsabi na hindi tama ang sagot dito. Isa sa mga nakapanood ang nagsabing, "Ingredient Hindi tinatanong kung ano ginagawa sa kamote."
May isa pang nagsabi na naiintindihan nila ang naging sagot ni Vhen, "I understand him alam ko nasa utak niya kamoteque pero di tanda yung sasabihin hehe"
PHOTO SOURCE: Facebook
Napanood sa episode na ito na itinanong ni Dingdong Dantes sa Family Feud, "Baka parang camote cue 'yung gusto mong sabihin 'no?" Sagot naman ni Vhen, "Oo."
Balikan ang episode na ito sa Family Feud: