GMA Logo Family History
What's Hot

'Family History' ni Michael V. at 'Paupahan', tampok sa I Heart Movies ngayong linggo

Published August 19, 2024 6:45 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Farm to Table: (December 28, 2025) LIVE
Stray bullet kills 66-year-old man in Pampanga
Miss Grand International All Stars announces rescheduling

Article Inside Page


Showbiz News

Family History


Mapapanood ang 'Family History' ni Michael V. sa I Heart Movies ngayong linggo.

Mapapaluha at mapapatawa tayo dahil sa mga pelikulang inihanda ng digital channel na I Heart Movies ngayong linggo.

Tampok kasi ang family dramedy na Family History, ang directorial debut film ni Kapuso comedian Michael V.

Bibida rin dito si Bitoy bilang si Alex, isang mister na mababago ang buhay dahil sa dalawang malalaking rebelasyon.

Mada-diagnose kasi ng sakit na cancer ang kanyang asawang si May, karakter ni Dawn Zulueta. Bukod dito, aamin pa si May na nagawa niyang mangaliwa.

Paano mananatiling optimistic si Alex sa kabila ng mga rebelasyong ito?

Abangan 'yan sa Family History, August 24, 8:00 p.m. sa Pinoy Movie Date.

Para sa mahihilig sa drama movies, nariyan ang pelikulang Paupahan.

Sa ilalim ng direksyon ni Joven Tan, ang Paupahan ay isang anthology ng tatlong mga kuwento ng mga taong nakatira sa isang slum area malapit sa isang sementeryo.

Powerhouse ang cast nito kung saan kabilang sina Ms. Gloria Romero, Snooky Serna, Angelu de Leon, German Moreno, Krista Ranillo, Joseph Bitangcol, Kirby de Jesus at Jay Manalo.

Abangan ang Paupahan na ipalalabas sa August 22, 8:00 p.m. sa Pinoy Movie Date.

Mapapanood ang I Heart Movies sa channel 5 ng digital TV receiver na GMA Affordabox at GMA Now. Available din ito sa iba pang digital television receivers.