What's Hot

'Family History' star Kakai Bautista, inalmahan ang pagbibigay malisya sa pagyakap niya kay Alden Richards

By Aedrianne Acar
Published July 18, 2019 11:42 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Thieves drill into German bank vault and make off with millions
Firecrackers seized in Mandaue City based on ban

Article Inside Page


Showbiz News



Kakai Bautista: “Ang dumi ng word na napagsamantalahan…”

Pumalag ang comedienne-singer na si Kakai Bautista sa mga malisyosong komento ng ilang netizens sa tuwing madidikit siya kay Alden Richards.

Kakai Bautista
Kakai Bautista

Sa mga tweet niya kahapon, July 17, dinepensahan ni Kakai ang sarili sa mga bumabatikos sa kanya sa tuwing niyayakap niya ang Kapuso actor.

Family History' actress Kakai Bautista shares her secret on handling bashers

Ani Kakai, “Ang dumi ng word na napagsamantalahan. Iniisip ko tuloy lagi kung saan nakakabili ng gamot para sa malisyoso.”

“Kase ang lala ng sakit na yun. Yung tipong yung tao nag-iisip, naglalagay ng meaning tapos sila din ang masasaktan. ---pero bakit parang kasalanan ko?!”


Sa sumunod na post, binigyang diin ni Kakai na walang makapipigil sa kanya kung gusto niya yakapin si Alden, na itinuturing niyang 'kaibigan.'

“MAKA-Lagot kayo sa akin akala nyo eh. I will never be sorry for Loving and caring for a friend!

“HABANGBUHAY KONG YAYAKAPIN si @aldenrichards02 Baby ko sya Forever!

“At wala kayong magagawa dahil mabuti syang kaibigan sa akin!!!!! kung gusto nyo kayo din YAKAPIN KO! Tara!”


Mapapanood si Kakai Bautista sa comeback film project ng multi-awarded comedian na si Michael V. at Dawn Zulueta na Family History na mapapanood sa sinehan on July 24.

Gaganap siya bilang si Dang, matalik na kaibigan ng karakter ni Dawn na si May.

Kasama din siya sa romantic movie na pagbibidahan ni Alden Richards na Hello, Love, Goodbye.