GMA Logo Sharon Cuneta and Alden Richards in Family of Two
What's Hot

'Family of Two,' mapapanood ngayong Good Friday sa GMA

By Maine Aquino
Published April 1, 2026 2:41 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Benilde, Letran renew rivalry in NCAA 101 Volleyball Finals
Iraq qualifies for World Cup with win over Bolivia
This dual-wave RF may be the definitive solution for stubborn melasma

Article Inside Page


Showbiz News

Sharon Cuneta and Alden Richards in Family of Two


Huwang palampasin ang isang pelikulang handog para sa buong pamilya ngayong Semana Santa. Tampok sina Sharon Cuneta at Alden Richards, abangan ang 'Family of Two' sa April 3 sa GMA.

Sa April 3, mapapanood na sa telebisyon ang Free TV Premiere ng Family of Two (A Mother and Son Story) sa GMA—isang makabagbag-damdaming pelikulang tumampok sa Metro Manila Film Festival 2023.

Pinagbibidahan nina Sharon Cuneta at Alden Richards, ang Family of Two ay isa sa mga aabangang programa ngayong Good Friday. Handog nito ang isang kuwento ng ina at anak na tiyak na tatagos sa puso ng manonood.

Ginampanan ni Sharon ang papel ni Maricar, isang single mother na buong tapang na humarap sa responsibilidad ng pagiging magulang upang maitaguyod ang kaniyang anak. Bilang si Mateo, si Alden naman ay gumanap bilang isang anak na lumaki sa pang-aruga at sakripisyo ng kaniyang ina.

Sa pagdating ng panahon, haharap si Mateo sa isang malaking desisyon—ang magtrabaho at manirahan sa ibang bansa. Sa gitna ng kaniyang pag-alis, nanaisin niyang masigurong hindi maiiwan mag-isa ang kanyang ina, at hahanapan ito ng magiging katuwang sa buhay.

Tampok sa pelikula ang masalimuot ngunit makatotohanang tema ng pagpapalaya, pagmamahal ng magulang, at ang hirap ng pagbitaw—mga kuwentong mas lalong nagiging makabuluhan ngayong Semana Santa.

Abangan ang Free TV Premiere ng Family of Two (A Mother and Son Story) sa April 3, alas-7:30 ng gabi, sa GMA.

Silipin din ang listahan ng GMA-7 programs para sa Maundy Thursday rito.

Silipin din ang listahan ng GMA-7 programs para sa Black Saturday rito.