GMA Logo aicelle santos and mark zambrano
Courtesy: aicellesantos (IG)
What's Hot

Aicelle Santos and Mark Zambrano are expecting baby no. 2

By EJ Chua
Published June 29, 2023 10:31 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Robots dance, clean, and rescue toy cats at expo in Japan
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

aicelle santos and mark zambrano


Congratulations, Aicelle and Mark Zambrano!

Isang mahalagang video post ang ibinahagi ng Sparkle artist at singer na si Aicelle Santos sa kanyang Instagram account kamakailan.

Kakabit ng video ay ang caption na, “Ito na nga… Watch until the end.”

Mapapanood sa video ang celebrity mom na si Aicelle habang kasama ang kanyang asawa na si Mark Zambrano.

Sa naturang video, unang nagbigay ng update ang couple tungkol sa ilang mga naging ganap nila sa buhay sa mga nagdaang araw at buwan.

Kabilang sa kanilang ikinuwento ay ang tungkol sa pagiging hands on parents nila sa kanilang baby girl na si Zandrine.

Sa kalagitnaan ng video, masayang sinabi ng dalawa na balak nilang mag-podcast upang ibahagi pa ang ilang mga natutunan nila sa buhay bilang mag-asawa.

Sa huling parte nito, ibinahagi nina Aicelle at Mark ang isang big announcement at ini-reveal na hinihintay na nila ang kanilang pangalawang baby dahil buntis ang singer.

A post shared by Aicelle Santos 🇵🇭 (@aicellesantos)

Kasunod ng kanilang announcement, bumuhos na ang pagbati at suporta ng ilang celebrity friends nina Aicelle at Mark.

Kabilang sa nagpaabot ng pagbati ay sina Iya Villania, Julie Anne San Jose, at Rita Daniela.

Ikinasal sina Aicelle at Mark noong November 19, 2019 sa Batangas.

Noong 2020 naman nang ipagbuntis ng singer ang kanilang first baby na si Zandrine.

SILIPIN ANG FAMILY LIFE NINA AICELLE SANTOS AT MARK ZAMBRANO SA GALLERY SA IBABA: