
Bukod sa kanilang loyal fans, isang espesyal na tao para kina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion ang lubos na natuwa sa muli nilang pagsasama sa pamamagitan ng Dear Heart concert, na ginanap kagabi, October 27, sa Mall of Asia Arena, Pasay City.
“When it was announced that we're going to do a concert, a lot of our friends [and fans] were thrilled. But there's one special person… it was more than that for this one special person,” sabi ni Gabby.
Dagdag naman ni Megastar Sharon, “It wasn't just thrilled, she had a wish and a dream. And we would like to fulfill that dream for her as well as maybe the three of us stand here together like a family we once were.”
Sa huling bahagi ng kanilang reunion concert, inanyayahan ng dating mag-asawang sina Sharon at Gabby ang kanilang unica hija na si KC Concepcion para samahan sila sa stage.
Pagkatapos ay sinabi ng aktor sa kanyang anak, “Ito ang madalas mong pinagdadasal na sana one day we could sing a song together, tayong tatlo.”
Bago kantahin ang kantang alay niya sa kanyang panganay na anak, isang madamdaming mensahe muna ang binigay ni Sharon para kay KC.
Aniya, “Usually this song is sung as a love song for weddings to someone you love. Tonight, I will sing it for my eldest daughter.
“I have four children. I do not have three, I have four. The first child to come and make me feel like a mother was this not-so-little girl beside me. She made my life complete. If there's anything I regret…”
Bago pa man maging emosyonal si Sharon, hiniritan na siya ni KC, “Tigilan n'yo 'yan.”
Patuloy naman ng batikang singer-actress, “We couldn't give you that complete family. But you have two families loving you. And Papa and I never stopped loving you. You were never a problem.”
Sumabat naman si Gabby sa mag-ina, “Okay na kayo, ha? Basta okay na sila, okay na rin ako.”
Kasunod nito ay tuluyan nang napaluha si Sharon habang kinakanta ang “Ikaw,” na orihinal na kinanta ng kapwa niya singer at mabuting kaibigang si Regine Velasquez.
Maraming fans ang naantig ang puso sa pagyayakapan ng mag-ina habang nagdu-duet.
Sa parte naman ni Gabby, inalay niyang ang kantang “You are the Sunshine of My Life” ni Stevie Wonder.
Lubos na nagpasalamat si KC dahil natupad na ang kanyang matagal nang pinapangarap na mabuo ang kanyang unang pamilya.
Aniya, “I just thank God, I thank the Lord na nagkaroon tayo ng time na ganito. Ang dami kong natutunan from 'yung napapanood naming lahat dito. Wala ako doon nung mga Dear Heart days. Buti na lang dahil doon, nandito ako, hindi pa 'yung Dear Heart, mga later on pa. I love you so much.”
Patuloy niya, “Ma, thank you. Sa lahat ng single moms na nandito ngayon o naging single mom dati, thank you for loving your children the way na minahal ako ng mommy ko.
“Sa lahat ng fathers out there na talagang mahal na mahal ang mga anak nila, Papa, thank you for being there, just like mom, sa buhay ko, noong lumaki at tumanda na ako.
“You know, 'yung past, past na 'yun, e. What matters is 'yung ngayon and' yung bukas. Pareho ko kayong mahal na mahal na mahal na mahal.”
Sa isang bahagi ng concert, binati rin nina Sharon at Gabby rin ang kasama ni KC, ang kanyang boyfriend na si Mike Wüthrich.
Pareho pa nilang bilin sa huli, “Michael, take care of my baby.”
KILALANIN PA ANG NON-SHOWBIZ BOYFRIEND NI KC CONCEPCION DITO:
Sa halos tatlong oras na concert, sina Sharon at Gabby ay sinamahan ng mga singers tulad ng mag-asawang sina Regine at Ogie Alcasid, Erik Santos, at Jeremy Glinoga.
Samantala, kabilang naman sa celebrities na nanood sina Alden Richards, Rocco Nacino, at ang dating leading man ni Sharon na si Senator Ramon “Bong” Revilla, kasama ang kanyang asawang si Cavite representative Lani Mercado.