
Sentimental ang Christmas wish ng Kapuso star na si Rob Gomez.
Sa panayam ni Lhar Santiago sa Lovers/Liars actor na ipinalabas sa 24 Oras noong Huwebes, November 16, sinabi niyang nais niyang makasama ang anak na si Amelia sa darating na holiday season.
"I wanna be with my daughter on Christmas Day, that's my biggest wish. I'm gonna spoil her so much," bahagi ni Rob.
Si Amelia ay anak niya sa ex-partner na si Miss Multinational Philippines 2021 Shaila Rebortera.
Sa Instagram account ni Rob, mararamdaman ang pangungulila niya sa kanyang mag-ina matapos ang kontrobersyal na hiwalayan nila ng beauty queen.
Sa October 13-post ng aktor, ishinare niya ang dalawang larawan nila ni Amelia na nilagyan niya ng caption na "Imy (I miss you)."
Matatandaang naging laman ng balita si Rob nang sabihin niyang "single" siya sa panayam sa kanya ni Boy Abunda nang mag-guest siya sa Fast Talk With Boy Abunda.
Isang araw matapos ang guesting ng aktor sa nasabing talk show, ibinunyag ni Shaila sa kanyang Instagram account na may anak sila ni Rob.
Sa caption niya, naka-tag si Rob.
Wika ni Shaila sa caption, "I've always been told to wait for the perfect time to tell the world about you. However, I realized, there is no such thing as 'perfect time.'
"We only have one life to experience these moments and it is in our hands to make these moments perfect.
“My life, for the most part, has always been private -- but honest. For over a year, I've been bursting to show you to the world, and to show you the world.
“My heart has never known this much love until I had you, my Amelia.”
Humingi naman si Rob ng tawad sa kanyang mag-ina at naniniwala na magkakabalikan pa sila ni Shaila para mabuo ang kanilang pamilya.
Sa hiwalay na panayam, sinabi ng aktor na inaayos na niya ang gusot sa dating partner.
TINGNAN ANG KANILANG FAMILY PHOTOS DITO.