GMA Logo Lenie Aycardo and Hajie Alejandro
Source: Team Hanie (YouTube)
What's Hot

Content creators Lenie Aycardo and Hajie Alejandro announce pregnancy

By Jimboy Napoles
Published September 11, 2024 2:21 PM PHT

Around GMA

Around GMA

CAAP extends flight ban over Mayon Volcano anew until morning of Dec. 15, 2025
Visually impaired soldier promoted from captain to major
Farm to Table: (December 14, 2025) LIVE

Article Inside Page


Showbiz News

Lenie Aycardo and Hajie Alejandro


TikTok stars Lenie Aycardo and Hajie Alejandro are having their first baby!

Masayang ibinalita ng couple content creators na si Lenie Aycardo at Hajie Alejandro na magkakaroon na sila ng first baby.

Sa pamamagitan ng isang YouTube vlog, inanunsiyo ng dalawa ang kanilang pregnancy at kung paano nila ito nakumpirma.

Ayon kay Hajie, mahigit dalawang buwan nang buntis ang kaniyang girlfriend na si Lenie.

“We are pregnant…totoo yun guys Lenie is pregnant. We are pregnant and 2 months na. Kung napapanood yung mga past videos ni Lenie, meron na,” ani Hajie.

Dagdag pa ni Lenie, “Oo. Actually, yung mga contents ko, 'yung Inside Out, meron na pala siya. Ayun, 'yung sa Arabian Nights, nagsasayaw-sayaw pa ko no'n, after no'n, biglang sumama 'yung pakiramdam ko at hingal na hingal ako, 'yun pala ay buntis na.

“No'ng nag-PT ako, nag-two lines agad siya. So 'yung pinaka naramdaman ko is na-excite ako kasi feeling ko 'pag nalaman to ni Hajie, mas excited din siya. So mas lamang talaga sa amin 'yung excitement.”

Kuwento naman ni Hajie, nagpa-plano na sana sila ni Lenie para sa kanilang kasal nang malaman nila na may ibang blessing pala na darating sa kanila.

Aniya, “To be honest, ako talaga sobrang na-excite ako kasi nasa duration kami ng preparation ng wedding and talagang excited ako sa wedding talagang lahat ng the best namin binibigay namin para magkaroon kami ng magandang wedding [pero] sabi ko, 'Set aside muna to,' or parang feeling ko talaga may better plan si Lord para sa wedding na 'yun.”

“Tapos nag-search na agad ako all about baby kung paano mag-alaga ng anak. Paano 'yung mga kailangan ng baby sa kuwarto. Gusto ko na agad i-renovate 'yung mga kailangan ng baby sa kuwarto. Gusto ko na agad i-renovate 'yung kuwartong isa.

“So, ayun, na-excite talaga ako asi matagal na rin namin pinag-iisipan yan ni Lenie and sabi namin, whenever na dumating siya, ready na kami. Kaya namin at saka gusto na namin. So, hindi na kami nagko-control kasi alam na namin, capable na kami bumuhay ng bata.”

Ayon pa sa dalawa, suportado nila kung ano man ang magiging gusto ng kailang anak maging ang gender preference nito.

“Ang gusto talaga nila is girl kahit si Hajie gusto niya girl. Pero ako, kahit ano. Okay ako sa girl and okay din ako sa boy,” ani Lenie.

Dagdag ni Hajie, “As in, kahit ano ka pa. Kung ano 'yung gender na gusto niya. 'Yung gender reveal naman, para malaman mo lang siya kung ano 'yung sex niya, kung male or female. Pero siyempre, kung ano man siya, kung ano man magiging siya, kung anong pipili niya magiging siya, support kami sa kaniya.”

Sa ngayon, ipagpapaliban muna ng dalawa ang kanilang kasal at magpo-focus muna sa kanilang pagbubuntis, at panganganak.

Unang nakilala si Lenie sa kaniyang mga make-up transformations sa TikTok, lalo na sa nauso lamang kamakailan na Asoka challenge. Katuwang dito ni Lenie ang kaniyang boyfriend na si Hajie na isang professional makeup artist at photographer.

RELATED GALLERY: Unexpected Celebrity Parents: Stars Who Surprised Fans by Becoming Parents