
Inilahad ni Dingdong Dantes ang kaniyang obserbasyon kung may interes ba sa showbiz ang mga anak nila ni Marian Rivera na sina Zia at Sixto.
Ikinuwento ito ng Kapuso Primetime King sa kaniyang pagbisita sa Sarap, 'Di Ba? ngayong September 28.
Ayon sa Sarap, 'Di Ba? host na si Carmina Villarroel-Legaspi, nakikita niya online ang videos ni Dingdong kasama ang panganay na anak na si Zia.
PHOTO SOURCE: @dongdantes
Tanong ni Carmina, "Sa tingin mo ba magiging singer siya?"
Sagot ni Dingdong, "Sa tingin ko, definitely 'yung puso niya nasa arts. Kung hindi arts, whether acting, painting, or visual arts siguro."
Dugtong pa ni Dingdong, "Sa ngayon mas lamang siya sa pagkanta."
RELATED GALLERY: The sweetest photos of Ate Zia and Sixto Dantes
Itinanong pa ni Carmina kung nakikitaan na ba ni Dingdong ang panganay nila ni Marian Rivera ng interes sa acting.
"Sa acting hindi pa ako sigurado. Pero feeling ko naman nandoon sa linya ng arts."
Sunod na itinanong ni Carmina ang bunso nilang si Sixto. Ayon kay Dingdong, maaga pa para masagot kung saan ang interes ngayon ni Sixto.
"Parang maaga pa ngayon e. Although, 'yung interest niya ngayon nasa sports."
SAMANTALA, BALIKAN ANG BEAUTIFUL DANTES FAMILY PHOTOS DITO: