GMA Logo Nadine Samonte Super Twins remake
What's Hot

Nadine Samonte, payag makatrabaho ang anak na si Heather sa remake ng 'Super Twins?'

By Kristian Eric Javier
Published January 7, 2025 5:01 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Man’s face swells due to allergic reaction to painkiller
Arellano University captures 7th straight cheerleading title
Phoenix Petroleum responds to Hidilyn Diaz's 'free fuel for life' controversy

Article Inside Page


Showbiz News

Nadine Samonte Super Twins remake


Kumasa na rin si Nadine Samonte sa makeup transformation challenge bilang si Super T, ang karakter niya sa superhero fantasy series na 'Super Twins'

Kamakailan lang kumasa si Forever Young star Nadine Samonte sa makeup challenge kung saan nag-transform siya bilang ang superhero character niya sa fantaserye na Super Twins na si Super T.

Naging mas espesyal pa ang naturang make up transformation nang makasama niya ang panganay na anak na si Heather, na gumanap bilang si Tintin, ang civilian identity ng kaniyang superhero character.

Sa panayam sa kaniya ni Aubrey Carampel para sa 24 Oras nitong Lunes, January 6, ay tinanong niya si Nadine kung papayag ba siyang makasama si Heather kung sakaling magkaroon ng remake ang kanilang serye.

Ang sagot ni Nadine, “Why not? Sige, pwede naman kung gusto niya. Baka pwede naman magkaroon ng book 2, nagbabalik si Super Twins.”

Ayon kay Nadine, ang transformation video na iyon ay regalo nila sa fans na patuloy na sumusuporta sa kanilang 2007 series.

“This is for them kasi parang all of their efforts n nagko-costume sila and all, parang this is just the way of saying thank you sa kanila na they're still supporting Super Twins kahit na wala na siya, ang tagal-tagal na, and yet, naaalala pa rin nila,” sabi ng aktres.

BALIKAN ANG NAGING BUHAY NI NADINE SA LABAS NG SHOWBIZ SA GALLERY NA ITO:

Kamakailan lang ay nag-post ng Instagram reel si Nadine kung saan makikita ang make-up transformation ni Heather bilang si Tintin para maging si Super T na ginampanan naman ni Nadine.

A post shared by Nadine Samonte Chua (@nadinesamonte)

Sa caption ng kaniyang post, pinasalamatan ni Nadine Samonte ang GMA network para sa isang magandang proyekto na tumatatak pa rin sa mga tao. Dito ay pinasalamatan rin niya si Heather sa pagpayag nito na gumanap bilang si Tintin.

May shoutout pa si Nadine sa kaniyang kakambal na si Jennylyn Mercado na gumanap noon bilang si Super S.

Panoorin ang buong panyam kay Nadine Samonte dito: