
Lubos na ipinagpapasalamat ni Kylie Padilla ang patuloy na pagbuhos ng blessings sa kaniyang career at kaniyang pamilya.
Masayang nagkuwento sa Chika Minute ang Kapuso actress tungkol kina Alas and Axl, ang kaniyang two adorable sons sa kaniyang ex-partner at aktor na si Aljur Abrenica.
RELATED CONTENT: Kylie Padilla's sweet moments with her kids Alas Joaquin and Axl Romeo as seen in these photos
"My kids are doing very well sa school, they are both with honors. Ang saya lang,” pagbabahagi ng loving celebrity mom.
Kasalukuyang pinaghahandaan ni Kylie Padilla ang kaniyang bagong proyekto sa GMA at sinabi niyang sobrang excited siya sa upcoming series na ito.
“I'm very, very excited. I'm always ready to learn new things. Gagalingan ko talaga. I'm very excited for you guys na malaman n'yo ang story and mapanood n'yo.”
Ayon pa sa kanya, ilan sa mga eksena nila rito ay kukuhanan sa labas ng bansa.
"I've never been there and I travel a lot so excited akong makita. Marami akong gustong gawin sa city na 'yun. Gusto kong puntahan 'yung mga place," pahabol ng Sparkle star.
Samantala, kapag ang love life naman niya ang pag-uusapan, tila “keeping it private but not a secret” ang kaniyang mantra tungkol dito.
Pahapyaw niya sa kaniyang buhay pag-ibig ngayon, “Yes, masaya rin. Nag-Valentine's ako sa Japan. Very, very grateful ang puso ko ngayon.”
Matatandaang July noong nakaraang taon nang aminin ni Kylie Padilla na siya ay "in a relationship na."