
Nilinaw ni Buboy Villar ang kanilang naging kasunduan sa VAWC tungkol sa oras na maibibigay niya sa anak nila ni Angillyn Gorens.
Sina Buboy at Angillyn ay may dalawang anak na sina Vlanz Karollyn at George Michael.
Kuwento ni Buboy sa Fast Talk with Boy Abunda, "May sinasabi na tuwing kailan ko raw madadalaw 'yung mga anak ko. Sinabi ko po kasi sa trabaho ko po kasi minsan Monday to Saturday may mga trabaho 'yan. Mine-make sure ko, alam din po ng Sparkle po ito, na kapag Sunday is my family day ko po. Talagang sinusulit ko po 'yung oras na 'yun, 'yung Sunday na 'yun para sa mga anak ko."
Dagdag pa ni Buboy, "Ang kaya ko pong ibigay talaga na oras ko po sa mga anak ko is Sunday. 'Yan po 'yung parang pinakamaluwag ko na buong araw, hindi nga po minsan buong araw kasi minsan may kasunduan din po sa parents ni Angillyn na iuwi ko po dapat 'yung mga bata ng 8 [PM] kasi siyempre may pasok kinabukasan at okay lang naman po sa akin."
PHOTO SOURCE: Fast Talk with Boy Abunda
Ayon pa kay Buboy, mayroon ding mga pagkakataon na gumagawa siya ng paraan na makita ang mga anak kahit hindi Linggo.
"Minsan, gumagawa po ako ng paraan na kahit may trabaho po ako, pumupunta po ako sa school. Minsan po galing akong taping, rerekta na po ako sa bahay nila para sunduin 'yung mga anak ko sa eskwelahan. Kahit hindi Linggo, ipinapaalam ko po 'yun."
Paliwanag pa ng aktor, minsan hindi rin niya nakakasama ang mga anak at inamin nitong naiintindihan naman niya ang sitwasyon.
"Ginagawa ko po 'yung once a week. Minsan lang po, wala sila, may lakad sila, pupunta sila somewhere else. Okay lang po sa akin. Pero sinasabi ko rin sige po next time na lang po. Kasi pumapayag naman sila na madalaw ko 'yung mga bata anytime. Nandoon naman sa usapang legal na pwede kong madalaw ang mga bata ng Sunday."
RELATED GALLERY: Buboy Villar and Angillyn Gorens's relationship timeline
Inilahad din ni Buboy sa Fast Talk with Boy Abunda na nararamdaman niyang nami-miss siya ng kaniyang mga anak pero ipinapaliwanag niya raw kung bakit hindi niya makasama nang matagal ang mga bata.
"Nararamdaman ko po 'yun sa mga yakap ng anak ko. Sinasabi ko sa mga anak ko na 'I'm so sorry hindi kaya ni papa talaga na one hundred percent oras sa inyo kasi papa needs to work.'"
Naging emosyonal naman si Buboy nang ibahagi niyang nais niya makapiling lagi ang kanilang mga anak ni Angillyn.
"Kung pwede lang araw-araw kasama ko mga anak ko, pwedeng-pwede po 'yun."
Dugtong pa ni Buboy, "Sila na nga lang po 'yung lakas ko, sila na nga lang ang nagpapatibay sa akin. Sa trabaho namin nakakapagod, pero 'pag tinitingnan ko sila, 'pag tinitingnan ko content ko, nakikita ko tawa ng mga anak ko, nakikita ko halik ng mga anak ko. It touched my heart. Parang kasama ko sila."
Panoorin ang emosyonal na interview ni Buboy dito: