GMA Logo Buboy Villar
What's Hot

Buboy Villar, nagkuwento tungkol sa halaga ng sustento na ibinibigay niya sa mga anak

By Maine Aquino
Published April 5, 2025 4:21 PM PHT
Updated April 5, 2025 5:11 PM PHT

Around GMA

Around GMA

SPMC, nakatala og 30 ka pasyente tungod sa aksidente | One Mindanao
24 Oras Livestream: January 1, 2026
Heart Evangelista teases new project on social media

Article Inside Page


Showbiz News

Buboy Villar


Alamin ang pahayag ni Buboy Villar sa alegasyon sa sustento sa mga anak.

Nagsalita si Buboy Villar sa usaping sustento sa mga anak nila Angillyn Gorens.

Sina Buboy at Angillyn ay may dalawang anak na sina Vlanz Karollyn at George Michael.

Bahagi ito sa mga pinag-usapan nina Boy Abunda at Buboy sa Fast Talk with Boy Abunda noong April 4.

Kuwento ni Buboy, "Bago mabawasan ng sustento, nagbibigay po ako Tito Boy ng 60k."

PHOTO SOURCE: Fast Talk with Boy Abunda

Nilinaw ni Buboy na ang sustento niya noon ay Php 60,000 tuwing 10th and 25th ng buwan. Sa isang buwan ito ay nasa PhP 120,000.

Ayon pa kay Buboy ito ay halagang napag-usapan nila ni Angillyn. "Wala po itong legal. Ito ay napag-usapan namin. 'Yun po 'yung gusto ni Angillyn."

RELATED GALLERY: Buboy Villar and Angillyn Gorens's relationship timeline


Inamin din ni Buboy na hindi siya perpekto sa usaping pag-aabot ng sustento sa mga anak. Kuwento ni Buboy, "Bilang isang artista hindi naman po ako laging may regular [na trabaho]. Alam din po 'yan ng ibang mga katrabaho ko."

Dugtong pa niya, "Minsan po, Tito Boy, nagkukulang talaga ako, kasi minsan talo po talaga sa trabaho. Sabi ko pagpasensyahan n'yo na po 'yung naipon ko lang ay PhP 45,000. Doon po nagre-range, PhP 45,000 to PhP 60,000."

Saad pa sa interview ni Buboy ay nahihirapan na siya sa sustento. Ani Buboy, "Hanggat kaya ko po sasabihin ko po na kakayanin ko. Kung ano po yung binitawan ko sa kanilang salita pilit ko pong gagawin 'yun. Gagawin ko rin po 'yun para sa ikabubuti ng anak ko"

Patuloy ni Buboy, "Dumating po sa time na siyempre sina mama tumatanda na rin, kailangan ko silang masuportahan din. Kailangan ko pong mas tingnan. Kailangan ko pong i-manage mas mabuti 'yung pera ko.

Nagkaroon ng pagbabago sa halaga ng sustento si Buboy simula noong sila ay humarap sa Violence Against Women and their Children o VAWC. Kuwento ni Buboy, taong 2024 nang humarap siya sa VAWC. Nilinaw naman ni Buboy na noong nakipagharap siya sa VAWC ay nasa dating stage pa lang sila ni Isay Sampiano. Si Isay ay current partner ni Buboy at may anak na sila na nagngangalang Kyrie Astraeuz Miamor.

Kuwento ni Buboy, nakausap siya sa VAWC kasama ang magulang ni Angillyn.

"Ipinatawag ako sa VAWC, 'di ko po alam sino nagpatawag, si Angillyn ba o parents niya. Basta may nagreklamo. Nag-meet kami kinabukasan, sinabi ko ang katotohanan kung ano ang kaya kong ilabas bilang ama."

Nilinaw ni Buboy ang naging pag-uusap, "Nanghingi ako ng pasensya talaga at nagpasalamat din ako kasi siyempre dinaan nila sa legal para rin po masabi sa legal kung ano po ang kaya ko kasi ayoko rin po magsinungaling."

Sa interview kay Buboy ay sinabi niya ang mga kaniyang binabayaran para kina Vlanz at George.

"Gusto ko po makapagtapos ng pag-aaral ang mga anak ko. Kaya po binabayaran ko ang isang tao... Dalawa po sila, Tito Boy. Php 25,000 po ang mga bata. Kung mayroon po silang school bus, minsan may expenses sa school. May times na nagbabayad din po mom niya po kasi minsan nagsasabi nga ako pasensya na po."

Sinabi rin ni Buboy sa Fast Talk with Boy Abunda na nagpapasalamat siya na katuwang niya ang mga magulang ni Angillyn para kina Vlanz at George.

"Mayroon nga po akong katuwang which is parents niya nga po kaya nagpapasalamat po ako."

Panoorin ang interview ni Buboy dito:

SAMANTALA, BALIKAN ANG MGA NAGANAP SA FAST TALK WITH BOY ABUNDA DITO: