
Sa likod ng mga ngiti ng ex-PBB housemate na si Charlie Fleming, mayroon siyang itinatagong mabigat na pinagdadaanan pagdating sa kaniyang pamilya.
Matapag na ibinahagi ni Charlie kay Kuya ang kaniyang istorya sa pinakabagong episode ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition noong Sabado, April 12.
"My parents have been separated since 2015. Me and my dad haven't talked since 2023. I am not the best daughter, I'll admit that," pag-amin ni Charlie tungkol sa estado ng kaniyang pamilya.
Kuwento ng aktres, "My dad actually lives around Cavite. Since he lives closer, it could have been nice to see him more. But my dad doesn't really want to see us lang na parang kakain. Gusto niya agad-agad na pupunta kami sa bahay nila which is with his girlfriend."
Ngunit, ipinaliwanag niya na ayaw ng kaniyang ina ang pagbisita sa bahay ng kaniyang ama kasama ang girlfriend nito.
"At the end of everything, I said to him 'Dad, I love you, but this is becoming a big emotional disturbance and I have to block you. So, I blocked him," sabi ni Charlie.
Habang bumuhos ang luha ni Charlie, inamin nito na isa ito sa mga pinakamahirap na ginawa niya sa buong buhay niya.
"But syempre, I chose it. I have to face the consequences but there was peace, I chose it, naging okay ako. But it was so hard," paliwanag ni Charlie.
Sa kabila ng lahat, sabi ni Charlie na nais niya rin magkaroon ng magandang memorya kasama ang kaniyang ama bilang anak nito.
Maliban sa emosyonal na rebelasyon, tuluyan na rin namaalam si Charlie kasama ang kaniyang ka-duo na si Kira Balinger sa Bahay ni Kuya noong Sabado.
Sina Charlie at Kira ang huling lumabas sa Bahay ni Kuya matapos makakuha ng pinakamababang boto sa ikalawang eviction night. Kinilala si Charlie bilang "Ang Bubbly Bread Teener ng Cagayan De Oro." Samantala, si Kira naman ay kilala bilang "Ang Hopeful Belle ng Cavite."
Samantala, tingnan dito ang mga photos ni Charlie Fleming na may Gen Z vibes: