Meet Pauleen Luna's second baby Thia Marceline Sotto

Officially proud mommy of two na ang actress-host na si Pauleen Luna dahil isinilang niya na ang second baby nila ni Vic Sotto na si Thia Marceline Sotto a.k.a. Mochi.
Sa Instagram ngayong Huwebes, January 25, nag-post si Pauleen ng mga unang larawan ni Mochi na agad na pinusuan ng maraming netizens.
“Thia Marceline Sotto aka Mochi. January 23, 2024. 8.2 lbs,” simpleng caption ni Pauleen sa kanyang post.
Maraming celebrities din ang nag-welcome kay Mochi at nagpahatid ng pagbati kina Pauleen at Vic sa comments section ng post, kabilang na ang Kapuso stars na sina Rocco Nacino at Carla Abellana.
“Oh my goodness! Congratulations!” pagbati ni Carla.
Silipin ang first baby photos ni Baby Mochi, DITO:











