
Simple lang ang naging celebration ng pamilya Dantes noong August 2 para sa 37th birthday ni Dingdong Dantes.
Ani Marian Rivera sa interview niya with Aubrey Carampel para sa 24 Oras, "Sinelebrate namin with family lang talaga. Tapos nagkaroon lang kami ng unting program. Nilagyan ko ng program para masaya."
Tinawag din ni Marian ang kanyang asawa bilang number one supporter niya sa kanyang breastfeeding journey. Ini-encourage ng aktres mag-breastfeed ang mga mommy dahil daw hindi lang si baby ang may benefits dito, pati na rin ang mga ina na katulad niya.
Aniya, "Kahit nasa taping ako, basta kinakailangan ko i-express 'yung kailangan ko ilabas gagawin ko talaga. Gusto ko 'yung experience ko ma-share ko rin sa mga bagong nanay na heto 'yung experience ko na sana makapagbigay ng inspirasyon sa kanila."
Malapit na rin ang birthday ng aktres na gaganapin ngayong August 12, pero imbis na mag-wish para sa sarili niya merong ibang hiling ang aktres. Ani Marian, "Sana mag-donate sila sa Smile Train."
Ang Smile Train ay isang "international children's charity with a sustainable approach to a single, solvable problem: cleft lip and palate."
Paliwanag ng aktres, "Mas talagang ma-a-appreciate ko 'yan, at hiling ko talaga 'yun."
Panoorin ang report ni Aubrey Carampel para sa 24 Oras:
???????Video courtesy of GMA News