WATCH: Aiai Delas Alas, gusto pang magkaanak sa asawang si Gerald Sibayan
Published February 13, 2018, 11:36 AM
Updated February 13, 2018, 11:51 AM
Game na sumabak ang mag-asawang Aiai Delas Alas at Gerald Sibayan sa "My Pledge of Love" na pakulo ng programang Tonight With Arnold Clavio.
Kailangan nilang kumpletuhin ang mga pangungusap na mabubunot nila mula sa isang bouquet ng mga rosas.
Naunang bumunot si Aiai at dito niya naibahagi na nais niyang magkaroon sila ni Gerald ng sarili nilang anak.
"Ang tanging hiling ko, Darl, na magkaanak tayo at maging isang mabuting ina," pahayag ng komedyana.
Matatandaang may tatlong anak si Aiai mula sa kanyang previous relationships—si Sancho, Sean Nicolo at Sofia.
Panoorin ang iba pa nilang pangako sa isa't isa sa feature na ito ng Tonight With Arnold Clavio.
Video courtesy of GMA Public Affairs