What's Hot

WATCH: Ano ang kuwento sa likod ng nude photos nina Aubrey Miles at Troy Montero?

By Gia Allana Soriano
Published July 6, 2018 6:31 PM PHT
Updated July 6, 2018 6:35 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Rains, cloudy skies expected across PH
Negros Occ records over 260 road mishaps
2026: A guide to the Year of the Fire Horse

Article Inside Page


Showbiz News



Natatandaan mo ba 'yung mga nude photos ng celebrity couple na sina Troy Montero at Aubrey Miles na nag-viral sa social media? Narito ang kanilang paliwanag kung bakit nila ginawa 'yon.
 

Good times and no tan lines #befree #notanlines #swimsuitnotrequired #thefarmsanbenito

A post shared by Troy Montero (@troymontero) on

 

Ikinuwento ng dalawa sa Tonight With Arnold Clavio kung ano ang storya behind sa kanilang nude photos posted on Instgram. Aniya, ang punot-dulo nito ay para "no tan lines" sila.

Ani ng aktres, "Sa totoo lang every time magta-travel [na] kaming dalawa lang. Lagi kaming ganyan. Lagi kaming magpapa-tan kami [na] wala kaming suot. Ngayon lang kami nag-post." 

Dagdag pa ni Aubrey, "Kami kasi, hindi na uso, for us ah, na may [tan lines.] [Gagawin mo na rin naman,] sagad mo na." 

Paliwanag naman ni Aubrey, "Tsaka nung time na 'yan, kaming dalawa lang nandyan. Wala talaga [ibang tao.] Tsaka 'yung kumukuha syempre 'yung camera namin na [may] timer."

Saad pa ni Troy, "Walang bata. Walang anything. Just the two of us... [And] I have a GoPro, may GoPro na may remote sa phone."

Nagpakita rin ng ilan pang pictures si Igan, kabilang dito ay ang solo photos ni Troy at Aubrey.

 

Be free @troymontero

A post shared by Aubrey Miles (@milesaubrey) on

 

Paliwanag ni Troy, hindi raw niya alam na pini-picturan siya dito ni Aubrey, "Hindi, I was swimming with nothing. You know, chilling out, with my eyes closed... After I got out, she posted it na."

Ano naman ang naging reaksyon niya? Sagot niya, "Well, it's too late, pero I was a little shocked." After naman nito ay kinuhanan din ni Troy si Aubrey bilang "revenge" at pinost din niya ang litratong ito.

 

Current mood: clothing is optional @milesaubrey #thefarmsanbenito

A post shared by Troy Montero (@troymontero) on

 

Dahil sa mga posts na ito kapansin-pansin lalo ang figure nilang dalawa. Sa interview ay ikinuwento nila na more and diet at exercise talaga kaya very fit ang dalawa. 

Panoorin ang episode highlight dito: