
Lumipad patungong Pilipinas ang dating aktres na si Queenie Padilla, na kilala ngayon sa kanyang Muslim name na Mashel Khadija Mir, para makasama ang kanyang kapatid na si Kylie Padilla at inang si Liezl Sicangco.
Ibinahagi ni Kylie sa Instagram kahapon, October 10, ang ilang larawan mula sa kanilang reunion. "Fambam" ang maikli niyang sulat sa kanyang caption.
Sa hiwalay na post, shinare rin ni Kylie ang larawan nilang mag-ate kasama sina Usman at Aljur Abrenica.
Sabi niya, "This year has been a year of dreams coming true. How do you spell happy again? H A P P Y."
Taong 2011 nang iwan ni Queenie ang showbiz para maging devout Muslim. Ikinasal na rin siya noong sumunod na taon sa Pakistani national na si Usama Rashid Mir.
Ayon sa report, kasalukuyang silang naninirahan sa Dubai at abala rin si Queenie sa pag-mamanage ng isang Muslim clothing line doon.