
Hinihiling pa rin ba ng Queen of All Media na si Kris Aquino na mahanap ang kaniyang future king?
'READ: Kris Aquino, nagkuwento kung paano siya iniligtas ni Bimby matapos mahirapan huminga
Ito ang inamin ng celebrity TV host/ social media influencer sa isang netizen sa Instagram.
Ayon kay Kris, ipinagdadasal pa rin niya sa Diyos na dumating sa kaniyang buhay ang isang responsableng lalaki na makakasama niya araw-araw.
Aniya, “I still pray a responsible man will come into our lives- my sons are missing out, they are both naturally athletic but because SUPER LAMPA ALP and hirap ang katawan sa outdoors- we're just always indoors.”
Anak ni Kris si Josh sa dating action star na si Phillip Salvador, samantalang anak nila ng PBA cager na si James Yap ang bunso niya na si Bimby.