What's Hot

Mga anak nina Gelli de Belen at Ariel Rivera, bakit hindi interesado sa trabaho ng kanilang mga magulang?

By Michelle Caligan
Published January 24, 2019 5:43 PM PHT
Updated January 25, 2019 4:58 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Rachel McAdams is honored with a star on Hollywood's Walk of Fame
900 pamilya sa Albay na apektado ng Bulkang Mayon, hinatiran ng tulong ng GMAKF | 24 Oras
Rider who obstructs firetruck in Bacolod City identified

Article Inside Page


Showbiz News



Alamin ang dahilan ng kawalan ng interes ng mga anak nina Ariel Rivera at Gelli de Belen sa propesyon ilang mag-asawa. Read more.

Muling magkakasama sa isang pelikula ang mag-asawang Gelli de Belen at Ariel Rivera para sa family-oriented comedy na Ang Sikreto ng Piso.

Gelli de Belen at Ariel Rivera
Gelli de Belen at Ariel Rivera

READ: Gelli de Belen and Ariel Rivera back on the big screen in 'Ang Sikreto ng Piso'

Dahil ito ang kanilang reunion movie after 22 years, tinanong ng members of the press ang mag-asawa sa naganap na press conference kung ano ang reaction ng kanilang mga anak. Kasalukuyang nag-aaral sa Canada ang mga anak nilang sina Julio at Joaquin.

"They have no interest in what we do, which is actually a bonus. Wala silang hilig sa mga kanta ko," diretsong sagot ni Ariel, na agad namang dinugtungan ni Gelli.

"Meron! Ayaw lang niya [Ariel] kasi na patugtugin 'yung mga kanta niya habang nandiyan siya. Ayaw niya na pinapanood ang show niya kapag nandiyan siya. Pero gusto nilang pakinggan 'yung kanta mo, ayaw mo lang (laughs)."

Ano naman kaya ang sikreto sa kanilang matagal na pagsasama?

Ani ng Ika-5 Utos actress, "You have to be selfless. Hindi naman 'yung selfless na you lose yourself, importante din na you don't lose your identity. Basta alam mo kung sino ka, kung ano ka, mahal mo ang sarili mo, siyempre hindi lahat para sa self lang."