What's Hot

Marian Rivera, breastfeeding ang sikreto sa pagpayat?

By Bianca Geli
Published September 6, 2019 7:26 PM PHT
Updated September 10, 2019 11:28 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Evidence vs. public servants should not be used for politicking — Palace
2 hurt in Basilan fire; 3 houses razed
New food hall opens latest branch in BGC

Article Inside Page


Showbiz News

Marian Rivera 24 Oras video screenshot


Para kay Marian Rivera, ibang klaseng fullfilment daw ang kanyang nadarama sa tuwing makikita niya ang kanyang mga anak.

Sa bilis ng pagbalik sa pre-pregnancy figure ni Marian Rivera, breastfeeding at healthy eating lang muna ang paraan ng Kapuso Primetime Queen sa pagpapapayat ngayong four months pa lang ang nakakalipas simula nang manganak siya kay Baby Ziggy.

Marian Rivera
Marian Rivera

EXCLUSIVE: Marian Rivera tries to get back in shape for her TV comeback

Kuwento ni Marian sa kaniyang Chika Minute interview kasama si Aubrey Carampel, breastfeeding daw ang dahilan ng kaniyang pagpayat, “Pumapayat ka na, lumulusog pa 'yung anak mo.”

Bukod sa breastfeeding, isinusulong din ng Filipina-Spanish actress ang traditional Filipino clothing. “Sobrang ganda talaga, at sobrang ma-aamaze ka sa bawat piece na ginagawa nila.”

Sumagot din si Marian tungkol sa pangbabatikos ng iba sa pagpapakain niya ng solid food kay Baby Ziggy na base raw sa payo ng kaniyang pediatrician.

“Wag naman sana maging dahilan 'yan para makasakit tayo ng kapwa ina natin, kaniya-kaniya tayo ng pagpapalaki ng anak. Irespeto natin ang isa't isa bilang mga nanay.”

Nabanggit ni Marian sa kaniyang nakaarang Instagram post na “complementary feeding” ang proseso ng pagpapakain niya kay Baby Ziggy, isang WHO-approved na feeding method kung saan dinadagdagan ng ina ng masustansyang solid food ang pagpapa-breastfeed sa anak.

Nilinaw din ni Marian na hindi niya ititigil ang pagpapa-breastfeed kay Ziggy hanggang sa nasa breastfeeding stage pa ito.

Marian Rivera, nakiusap na 'wag husgahan ang kaniyang breastfeeding advocacy

Ibang klaseng fullfilment daw ang nararamdaman ni Marian sa pagiging ina kina Ate Zia at Baby Ziggy. “Isang smile lang nila, isang yakap lang nila, talagang masasabi mong napaka-blessed mo bilang tao para ipagkalooban ka ng mga anak.”

Panoorin ang buong ulat ni Aubrey Carampel sa 24 Oras: