What's Hot

WATCH: Dingdong Dantes at Marian Rivera, ibinahagi ang mga hamon sa kanilang buhay

By Cara Emmeline Garcia
Published October 23, 2019 11:03 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Unang Hirit Livestream: December 17, 2025
Dawn fire razes 7 houses in Estancia, Iloilo
Japanese lifestyle brand unveils limited edition 'Evangelion' merch collection

Article Inside Page


Showbiz News

Dingdong Dantes Marian Rivera on raising a family


Ayon kay Marian Rivera, matibay ang pundasyon ng pamilya nila dahil sa pananampalataya at tulong ng kanilang mga mahal sa buhay,

Puno ng hiyawan ang Pista ng Misyon nang dumalo ang Kapuso royal couple na sina Dingdong Dantes at Marian Rivera noong Linggo, October 20.

Sa kanilang interview, kasama si Archbishop of Manila Cardinal Luis Antonio Tagle, ibinahagi ng dalawa ang mga hamon na kanilang hinarap bilang mga indibidwal at mag-asawa.

Kinilig naman ang karamihan nang magkuwento ang dalawa tungkol sa kanilang buhay pamilya at pagiging mga magulang kina Zia at Ziggy Dantes.

Pag-amin ni Marian matibay raw ang kanilang pundasyon bilang pamilya dahil sa kanilang pananampalataya at tulong ng kanilang mahal sa buhay

Aniya kay Nelson Canlas, “Wala namang madali, lahat mahirap.

“Pero sabi ko nga, kung buong puso mong tinatanggap at buong puso mong gagawin ito para sa mga mahal mo sa buhay, e, walang imposible talaga.”

Dagdag pa ni Dingdong, “Lifelong commitment 'yan at para sa amin [ni Marian] ito ang pinakamahalagang role na aming gagampanan.”

Panoorin ang buong ulat ni Nelson Canlas:

MUST-SEE: Baby Ziggy appears in first official family photo with the Dantes Squad

WATCH: Marina Rivera and Zia prank Dingdong Dantes in latest Dantes Squad vlog