
Walang paglagyan ang excitement ni Jasmine Curtis-Smith kapag ang kanyang future pamangkin na ang pinag-uusapan.
"Sobrang excited ko nang maging tita.
“I said nga kanina I think that's one of the roles I'm most excited for this year, more than anything,” nakangiti niyang sambit sa panayam ng entertainment reporters at bloggers sa media conference ng Descendants of the Sun (The Philippine Adaptation) kagabi, January 30.
Dagdag pa ni Jasmine, It's an addition to the family, another person to love. It's just exciting to get to know our new addition sa family.”
Sa Marso inaasahang isilang ng kanyang kapatid na si Anne Curtis ang baby girl nila ng kanyang asawang si Erwan Heussaff.
Sa palagay ni Jasmine, magiging hands-on siya sa kanyang magiging pamangkin.
"When I had a younger cousin, I already felt so addicted to taking care of that cousin, what more if pamangkin ko.
"Feeling ko 'pag wala akong work, tambay ako sa house nila, nag-aalaga or inaagaw 'yung baby feeling ko," biro pa niya.
Nasa Australia na ngayon si Anne at naghahanda sa pagsilang ng kanyang anak.
Ayon kay Jasmine, magandang plano na rin ang desisyon ng kanyang ate na manganak sa Australia dahil, “Siyempre, kasama na rin dun 'yung time away from work. Break din so she can have time with the baby.
“Siyempre, iba rin naman when she was here, ibang level ng privacy.
“More than that, I think she also wants to be with near mom and to spend time with mom during the very important time of her life and womanhood.
“Siyempre, ang tagal din nilang naghiwalay in terms of living together every day. Siguro malaking factor na rin 'yon.”
Samantala, bagamat aminadong mahilig sa bata si Jasmine, napapreno naman siya nang tanunging kung kailan niya gustong magkaroon ng sariling anak.
Wika niya, "Oh please, long time from now. Not yet.
"When it happens, you know, at the right time.
"Ayaw ko naman magbigay ng oras [like] in five years."
Gayunpaman, naniniwala si Jasmine na bubuo rin siya ng sarili niyang pamilya sa tamang panahon. Almost four years na ang relasyon niya sa kanyang tourism director at businessman boyfriend na si Jeff Ortega.
LOOK: Jasmine Curtis-Smith supports boyfriend Jeff Ortega becoming regional director for tourism
"Of course, I'm hopeful thinking na in a few years pa 'yan but when it happens, if it feels right, hindi rin natin alam.
"Malay mo mag-propose next year. Well, joke. Huwag muna."
Kapuso Showbiz News: Jasmine Curtis-Smith, sinabing excited na si Anne Curtis sa 'DOTS Ph'