
“THIS IS FAKE.” Ito ang binigyang diin ng actress/endorser na si Toni Gonzaga sa magkahiwalay niyang posts sa Instagram Story patungkol sa kumakalat na “fake news” na may statement daw ang kanyang ina na si Mommy Pinty tungkol sa wedding nina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli.
IN PHOTOS: Celebrity relationships na tinutulan ng pamilya
Pinag-uusapan pa rin kasi hanggang ngayon ang kontrobersyal na kasal ng showbiz power couple noong February 20, kung saan 'di umano ay nagkagulo nang dumating ang ina ni Sarah na si Mommy Divine na hindi imbitado sa okasyon.
Nagbigay din ng pahayag sa isang TV interview ang bodyguard ng actress/singer na si Jerry Tamara at inakusahan nito si Matteo na sinapak daw siya, bagay na pinabulaanan ng mister ni Sarah.
Sa post ni Toni, naglabas ito ng pagkadismaya sa mga tao na nasa likod ng “fake interview” ni Mommy Pinty.
Dagdag pa ng former Eat Bulaga host, mas lalong lalala ang isyu dahil sa kasinungalingan na ito.
Ani Toni, “Mommy Pinty hasn't given nor expressed her opinion regarding the matter. She was never interviewed. These words never came out of her mouth and neither she releases an official statement.
“Stop aggravating the issue by fabricating lies.”
Sa isa pang post ng misis ni Direk Paul Soriano, hiniling niya sa mga tao na sumunod at i-practice ang “responsableng pamamahayag.”
Matatandaang nagsimulang mag-date sina Matteo at Sarah taong 2014 at inanunsyo ng dalawa ang kanilang engagement noong 2019.
Kahapon, February 26, naglabas ng opisyal na pahayag si Matteo kung bakit napagdesisyunan nila ng kanyang misis na gawing intimate ang kanilang kasal.
“First and foremost, we would like to express the overwhelming joy, love, and excitement we have in beginning our life together. We decided to keep everything as intimate as possible because of private matters.”
Nakakataba rin sa puso na maraming sumusuporta sa kanilang desisyon na magpakasal ni Sarah.
“Each and everyone of you have been part of our love journey and we want to say, Thank you. Friends, family and everyone on “social media” have been a source of inspiration, strength, and most importantly, of LOVE.”
Taos puso din ang pasasalamat ng aktor sa kanyang Italian father na si Gianluca Guidicelli at ina na si Glenna Fernan para sa mainit na pagtanggap nila kay Sarah.
“Our family is growing and we are blessed. Papa and mama, thank you for deeply loving and welcoming Sarah into our family.
“In time, with God's grace and Love, everything will heal and fall into place.”