
Iba't iba man ang paraan ng pagpapalaki ng mga magulang sa kanilang anak - istrikto, parang barkada o mahigpit, iisa lang ang layunin nila, ang mapalaking maayos at mabuting tao ang kanilang mga supling.
Pero paano kaya pinalalaki ng mga celebrity mom ang kanila ring celebrity sons and daughters?
Ayon kay Love of My Life star Coney Reyes, mahalagang magkaroon ng magandang samahan ang mga magulang at mga anak. Isa rin umano siyang disciplinarian at tinuruan niya si Pasig Mayor Vico Sotto na maging maka-Diyos.
“If my children were younger, I was really much stricter, now I do not interfere because I just believe that I raised them in the ways of the Lord,” she said.
Samantala, inamin naman ni Anak ni Waray vs. Anak ni Biday star Dina Bonnevie na isa siyang certified disciplinarian kina Oyo Boy Sotto at Danica Sotto-Pingris. Tinutukan din umano niya ang pagtuturo sa mga ito ng good manners, right conduct, pagiging masinop at pagpapahalaga sa sarili.
“I let them feel the pain. It's okay, it'll go away, it'll go away in a few days. You'll have a little scar there but it'll go away, but you know so is life.
“Life is not perfect, there will be times that you will stumble, you will make the wrong decisions but you will learn from your mistakes,” lahad ni Dina patungkol sa payo niya kina Danica at Oyo.
Samantala, ibinahagi rin ni Snooky Serna, bida rin sa seryeng Anak ni Waray vs. Anak ni Biday, na very protective siya sa kanyang mga anak na sina Samantha at Sachi. Natutunan niya raw ito sa kanyang ina, ang aktres na si Mila Ocampo na kilala rin sa pagiging protective.
“Nasanggahan niya talaga ako sa lahat ng mga masasamang elemento na otherwise siguro because of my being naïve, hindi ko naprotektahan 'yung sarili ko. Up to now, in my heart, thankful ako talaga,” sabi ni Snooky.
Alamin ang parenting style ng celebrity moms sa ulat ng 24 Oras:
IN PHOTOS: The sweetest photos of Coney Reyes and Mayor Vico Sotto
Snooky Serna, happy to be reunited with Dina Bonnevie on 'Anak Ni Waray Vs. Anak Ni Biday'