
Isang malaking blessing para sa Rak of Aegis actor na si Pepe Herrera ang pagbubuntis ng kanyang girlfriend na si Sarah Mallari.
Sa Instagram post ng magaling na theater actor, kahapon March 20, ipinasilip nito sa kanyang followers ang sonogram ng kanilang supling.
Wika niya, "Si Baby Girl, ang sarap ng tulog. Nakanganga pa. Ang sarap pagmasdan. So Peaceful. Yan tuloy naimagine ko na kinakausap niya ako."
Sa post naman ni Sarah Mallari last March 9 para i-commemorate ang International Women's Day, nagbigay-pugay siya sa mga babaeng naging inspirasyon sa kanyang buhay.
Ipinasilip din nito ang kanyang baby bump, kung saan sinabi niya na ika-anim na buwan na ng kanyang pagbubuntis.
"Fast forward to today -- it's International Women's Day. It also marks my sixth month of pregnancy. Yes, all the strong women in my life have inspired me to become this better version of myself in this tough time and environment, though the real reason I am who I am right now is because of my family and my friends."
Makikita din sa comments section ng Instagram post ni Sarah na may sweet message si Pepe para sa kanya.
Samantala, bumuhos naman ang pagbati ng celebrities nang i-post ni Pepe Herrera ang sonogram photo ng kanyang baby girl.
Bumida sa hit Pinoy broadway musical na Rak of Aegis si Pepe Herrera bilang Tolits, ilan Kapuso stars din ang napasama sa show tulad nina Aicelle Santos at Derrick Monasterio.
Michael V. on the cast of 'Rak of Aegis': "Sobrang galing n'yo!"
Derrick Monasterio to portray Tolits in 'Rak of Aegis' Season 7
EXCLUSIVE: Noel Cabangon on joining 'Rak of Aegis:' "Hindi nila ako makikitang kalmado"