
Maraming nagulat nang ikinasal na pala ang theater/TV actor na si JC Santos sa kanyang highschool sweetheart na si Shyleena Halili noong September 2019.
IN PHOTOS: Aicelle Santos, Rodjun Cruz, JC Santos, and other celebrity weddings in 2019
Ngayon 2020, nabiyayaan na ang dalawa ng cute baby girl at base sa post ng misis ni JC, pinangalanan nila ito na si River.
Samantala, sa Instagram post ni JC kahapon, March 23, ipinasilip niya na abala siya sa 'daddy duties' para sa ng kanyang prinsesa.
Sabi niya sa post, "#HomeQuarantine #DaddyDuties Afternoon probinsya air for my little sunshine. 👼🏼 🌅
"Be safe everybody. May this break be a good opportunity for you to take good care of your family. God bless us all! 🙏🏼"
Makikita rin sa comment section ng kanyang post ang pakikipagbiruan ng first-time celebrity dad sa isang netizen kung ito na si COVID Bryant.
Sagot ni JC, "Hindi. Si Covid Rose 'yan."
Ang mga Covid Bryant at Covid Rose ay trending kamakailan online dahil sa mga batang ipinanganak sa kasagsagan ng COVID-19 pandemic.