GMA Logo Jennylyn Mercado considers son Alex mommy lydia her source of strength
What's Hot

Jennylyn Mercado, tinuturing na 'source of strength' sina Mommy Lydia and Alex Jazz ngayong COVID-19 krisis

By Jansen Ramos
Published March 31, 2020 3:27 PM PHT

Around GMA

Around GMA

LIVE - Update on Bagyong Wilma as of 11 AM (Dec. 6, 2025) | GMA Integrated News
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Jennylyn Mercado considers son Alex mommy lydia her source of strength


Ayon kay Jennylyn Mercado, ang kanyang anak na si Alex Jazz at ang yumaong ina na si Mommy Lydia ang nagpapalakas ng kanyang loob sa panahon ng COVID-19 crisis.

Hinikayat ni Jennylyn Mercado ang publiko na humanap ng inspirasyon para maibsan ang takot at pangamba na dulot ng COVID-19 crisis.

Ayon sa Descendants of the Sun [The Philippine Adaptation] lead actress, ang kanyang yumaong adoptive mother na si Lydia Pineda at anak na si Alex Jazz ang nagpapalakas ng kanyang loob sa panahong ito.

Wika ni Jennylyn sa isang Facebook post, "Sa panahon po ngayon na lahat ay walang kasiguraduhan. Na lahat tayo ay kinakabahan at natatakot.


"Kada araw ay maghanap tayo ng bagay that we are thankful for na magbibigay inspirasyon sa atin na malagpasan ang crisis na ito.

"Aside from my son, isa din po ay aking mama."

October 2016 pa noong binawian ng buhay si Mommy Lydia, sanhi ng sepsis at pneumonia, pero nananatili pa ring buhay kay Jennylyn ang mga alaala nito dahil, aniya, ito ang unang nagtiwala sa kanya.

"Everyday that she is gone, is a day that I miss her even more.

"She means the world to me.

"I owe everything that I have now to her.

"She was the first one to believe in me.

"I am blessed to have had her in my life. I love you ma!"

Samantala, sinabi ni Jennylyn sa hiwalay na post na thankful siyang maging ina ni Jazz na itinuturing niyang "greatest blessing" kaya isa ito sa mga nagpapatatag sa kanya sa gitna ng pandemya.