
Naglaro ng "Sister Tag" ang Kapuso siblings na sina Angelika Dela Cruz at Mika Dela Cruz sa pinakabago nilang vlog.
Sa video, tinanong kung sino sa kanilang magkapatid ang madalas na may nakakaaway.
Agad na inamin ni Angelika na siya raw ang mas palaaway 'pag dating sa kanilang dalawa ni Mika.
Pinaliwanag naman ni Angelika na kaya lang naman daw siya nang-aaway dahil daw nagpapaapi ang kaniyang nakababatang kapatid.
"Ito kasi, laging nagpapa-bully," sabi ni Angelika tungkol kay Mika.
"Siyempre 'pag nakikita kong binu-bully siya, nabubuwisit ako kasi, 'di ba, parang 'Bakit? Pagtanggol mo 'yung sarili mo.' Ayaw! 'Wag na lang, hayaan mo na lang sila.'
"Siyempre 'yung ate 'yung magagalit."
Panoorin ang kulitan time ng magkapatid na sina Angelika at Mika Dela Cruz sa kanilang "Sister Tag" YouTube video, below:
IN PHOTOS: Non-showbiz celebrity siblings na may "artista factor"