
Ipinakita ng pamilya Legaspi ang kanilang ginawang paghahanda para makatulong ngayong enhanced community quarantine.
Sa post ni Zoren Legaspi, ibinahagi niya ang kanilang inihandang donasyon para umano sa mga nangangailangan.
Katulong niya sa inihandang donasyon na ito ang kanyang asawa na si Carmina Villarroel at mga anak na sina Mavy at Cassy Legaspi.
Ani ni Zoren, "Doing our part @mina_villarroel @cassy @mavylegaspi thank you for you effort and support para sa mga nanganga-ilangan #toGodbetheGlory Salamat sa DIOS #lockdown2020"
Ang pamilya nina Zoren at Carmina ay isa lamang sa mga maraming personalidad na tumugon sa mga nangangailangan na apektado ng enhanced community quarantine.
Kamakailan lamang ay inilahad ni President Rodrigo Duterte na extended ang enhanced community quarantine hanggang April 30.
IN PHOTOS: How celebrities reacted to the enhanced community quarantine extension
Carmina Villarroel sends ready-to-eat meals to frontliners