
Nagbigay ng update ang mag-asawang Max Collins at Pancho Magno sa kanilang kasalukuyang sitwasyon nang makausap ng GMANetwork.com sa pamamagitan ng Skype.
Wala pang isang taon mula noong lumipat sina Max at Pancho sa kanilang bahay sa Antipolo, Rizal, na ngayon ay naka-total lockdown dahil sa banta ng COVID-19.
“We're okay,” pahayag ni Pancho.
“Of course kailangan pa rin gumawa ng way para maging productive. Mahirap kasi mayroong baby, may darating na baby sa buhay namin, [so] we are more careful now to go outside.”
Dagdag naman ni Max, “Pero at the end of the day, oo, naiinip kami, but dapat maging thankful kami na we're safe and healthy compared sa iba. We're doing okay naman.”
Panoorin ang buong pahayag nina Max at Pancho: