
Maganda ang simula ng Mayo para sa Kapuso couple na sina Luane Dy at Carlo Gonzalez dahil sa pagdating ng kanilang anak.
Luane Dy's jaw-dropping naked maternity photo
Sa Instagram post ni Luane kanina, May 2, masaya niyang ibinalita ang pagsilang niya sa kanyang healthy baby boy.
Ibinahagi ng Unang Hirit host ang labis nitong pagmamahal sa kanyang anak.
Saad niya, "Anak, salamat sa ligayang iyong dala. Nawa'y hindi tayo mawalay hanggang sa aking pag tanda.
"Buong buhay kong pagmamahal sayo'y ipadarama. Masuklian lamang sa aki'y tunay mong halaga.
"Ikaw ang buhay ng aking buhay sinta. Tunay, mahal na mahal kita.
"I love you son #xpiotós #carlu"
Ramdam din ang saya ni Carlo Gonzalez sa pagdating ng kanilang baby boy ni Luane.
Noong December 31, 2019 inanunsyo ng dalawa na magkakaroon sila ng baby.
Bumuhos naman ang pagbati mula sa mga kaibigan at katrabaho nila sa showbiz para sa new blessing na ito.