What's Hot

Mavy Legaspi, bakit sinabing siya ang male version ni Carmina Villarroel?

By Cherry Sun
Published May 5, 2020 5:47 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Robots dance, clean, and rescue toy cats at expo in Japan
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBU 

Article Inside Page


Showbiz News

Mavy Legaspi and Carmina Villarroel


“Kulang na lang sasabihin ko sana 'yung long hair niya eh. That's how much we're alike.” Bakit nga ba sinasabing si Mavy Legaspi ang male version ni Carmina Villarroel?

Hindi uso sa kanilang pamilya ang favoritism pero tiyak sina Mavy Legaspi at Cassy Legaspi na ang batang aktor ang nagmana kay Carmina Villarroel. Bakit nga ba siya ang tinatawag na male version ng kanilang ina?

Maraming mabuting katangian si Carmina na ipinagmalalaki nina Mavy at Cassy at talagang naimpluwensiyahan daw sila ng kanilang ina sa pagiging mapagbigay.

Wika ng batang aktres sa exclusive interview ng GMANetwork.com, nais daw niyang makuha ang pagiging malambing ni Carmina.

Paliwanag ni Cassy, “Mommy is loving. Basta she's super lambing and very very lovey, lovey. She makes the environment relaxed, and comfortable, and secure.”

Samantala, tila nahirapan si Mavy na tukuyin kung ano pa ang kanyang maaaring makuha mula kay Carmina. Bigay-diin kasi ng kambal na si Mavy ang male version ng kanilang ina.

Sambit ng batang aktor, “Kulang na lang sasabihin ko sana 'yung long hair niya eh. That's how much we're alike. Long hair na lang 'yung difference 'no.”

Ayon sa kambal, si Mavy ay malambing, malinis sa kanyang kapaligirian, maporma, at maagap sa oras tulad ng kanilang ina.

Natatatawang sambit ni Mavy bilang hirit sa kanyang kapatid, “I'm loving!”

Patuloy pa niya, “Besides being neat, I guess the way we dress. It doesn't matter what occasion, I feel like my mom and I always dress. She still does no matter where we go.

“We're always on the dot siguro when it comes to scheduling also.”

Pagsang-ayon din ni Cassy, “They're very punctual. If you wake up 5:30, [sila] 5:20. Sila 'yung earlier than the set time."

Hindi rin daw nagkakalayo ang personalidad nina Mavy at Carmina.

Patuloy ni Mavy, “Personality-wise, easy-going. We're very easy-going, outgoing, extroverts. Kumbaga we're very easy to talk to.”

Panoorin:

Mavy and Cassy Legaspi's adorable baby video

IN PHOTOS: Carmina Villarroel's cutest photos with her twins Mavy and Cassy Legaspi

Is Mavy Legaspi getting protective over Cassy Legaspi now that she has a love team?