GMA Logo Janine Gutierrez
What's Hot

EXCLUSIVE: Janine Gutierrez, halos kasabay lumaki ang inang si Lotlot de Leon

By Marah Ruiz
Published May 6, 2020 5:04 PM PHT
Updated May 6, 2020 5:10 PM PHT

Around GMA

Around GMA

St. Luke's inhaler clinic opens to improve asthma, COPD patient care
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Janine Gutierrez


Kasama daw sa magagandang alaala ni Janine Gutierrez ang halos sabay nilang paglaki ng nanay na si Lotlot de Leon.

Mag-isa na sa bahay si Kapuso actress Janine Gutierrez matapos niyang lumipat sa sarili niyang condo noong 2016.

Kasalukuyan pang nasa ilalim ng enhanced community quarantine ang ilang bahagi ng bansa kaya mas lalo daw niyang nami-miss ang kanyang pamilya.

Nalalapit na rin ang Mother's Day at hindi rin niya makakapiling ang kanyang mommy na si Lotlot de Leon.

Sa isang eksklusibong panayam ng GMANetwork.com, ibinahagi ni Janine ang ilang favorite memories niya kasama ang kanyang ina.

Kasama na raw dito ang halos sabay nilang paglaki.

"My mom is pretty young. he had me when she was like 17 (years old) so our age gap is small. I always remember growing up with her. Palagi kaming naglalaro," panimula niya.

Gayunpaman, si Lotlot pa rin daw ang nagsisilbing gabay ni Janine sa iba't ibang bagay hanggang ngayon.

"She's always been amazing and up to now she's really a source of guidance--living alone, cooking, mga things like that. I'm so lucky that shes always one call away," aniya.



Kamakailan, nagsimula si Janine ng isang fundraising para makalikom ng pondo pambili ng mga personal protective equipment para sa COVID-19 frontliners ta para makapag-abot ng tulong sa mga komunidad na nawalan ng hanap-buhay dahil sa lockdown.