GMA Logo zia dantes as darna
What's Hot

LOOK: Marian Rivera's little Darna Zia Dantes!

By Aedrianne Acar
Published May 9, 2020 12:54 PM PHT

Around GMA

Around GMA

PCIJ: ‘Allocable’ for solons in Iloilo City, province reaches P4.3B
DOJ Usec. Jojo Cadiz, nagbitiw sa puwesto sa gitna ng alegasyon sa flood control
GMA Pinoy TV wins big at the Anak TV Seal Awards 2025!

Article Inside Page


Showbiz News

zia dantes as darna


Naipasa na ang bato! Pinagkaguluhan online ang latest costume ng anak ng Kapuso primetime couple na sina Marian Rivera at Dingdong Dantes na si Zia.

"Ding, ang bato!"

Nagbigay ngiti online ang latest costume ng anak ng showbiz power couple na sina Marian Rivera at Dingdong Dantes na si Zia Dantes.

Sa Instagram post ni Marian, isang araw bago ang Mother's Day, ipinakita niya si Zia na nakasuot ng Darna costume.

Matatandaan na gumanap din ang Kapuso Primetime Queen bilang Pinay superheroine na si Darna sa primetime series niya sa GMA-7 noong 2009.

Makikita sa caption ng kanyang post na wala raw makahihigit sa role ng pagiging isang ina.

Ani Marian, "Sa lahat ng roles na dumaan, pinaka the best talaga ang pagiging mommy.

"Lahat naman yata ng roles gagawin natin mga mommies para sa mga anak natin di ba?"

May pa early Mother's day pakulo itong si Ate Zia! 😅 Familiar ba ang mga look? Sa dinami-dami ng roles na ginampanan ko, ang pagiging mommy ang pinakamasarap. Kaya susuportahan lang kita 'nak as you discover your interests. Happy ako na ka-partner ko and NIDO 3+ sa pag protect kay Zia. Ito rin ang trusted partner ng mga #1Moms. Happy Mother's Day sa lahat ng ating supermoms. 💛 #NidoMyFirstWins #MothersDay

A post shared by Marian Rivera Gracia Dantes 🇵🇭 (@marianrivera) on


Wala pang isang oras matapos ito ma-ipost, nakakuha agad ng 84,000 likes ang Darna photo ni Zia.

Heto naman ang ilang reaksyon ng mga netizen at celebrities sa Darna costume ni Zia Dantes.

IN PHOTOS: Zia Dantes's cutest costumes