GMA Logo bb gandanghari reacts to robin padilla
What's Hot

BB Gandanghari, sinabing napakadamot ni Robin Padilla sa 'emotional support'

By Aedrianne Acar
Published May 16, 2020 1:21 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Signal No. 1 up over 27 areas as Wilma threatens to make landfall over Eastern Visayas
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

bb gandanghari reacts to robin padilla


BB Gandanghari to the Padilla family: "I will not cry a tear for this family ever!"

Kasing tindi ng ulan at hangin na dala ni Bagyong Ambo ang mga pahayag ni BB Gandanghari sa kanyang vlog tungkol sa nakababatang kapatid na si Robin Padilla.

Sa 48-minute vlog ni BB, naglabas din ito ng saloobin sa naging panayam ni Robin sa isang morning show noong 2017 nang sabihan niya dito na isa siyang uber driver.

Naka-base na si BB Gandanghari ngayon sa Amerika.

Sumbat ni BB kay Robin, "Grabe ka Robin. Nung panahon na nag-iistruggle ako sa Amerika, ano ang ikinalat mo sa Pilipinas?

"'Nag-u-uber si BB,' that's all that I do. You don't want me to succeed. Why?

"You want me to struggle, you want me to crawl. Why?"

Ibinulgar din ni BB na dahil sa ginawang pahayag ng kanyang kapatid kamakailan, inuulan na ng batikos ang kanyang Instagram account.

BB Gandanghari responds to Robin Padilla, "I'm fine, I'm existing, I'm surviving."

"Ngayon na maganda ang takbo ng YouTube ko. You are doing this why?

"You can't even call me and say congratulations utol.

"Magla-live ka to people that I have a problem. Why?

"Now, my Instagram is under attack. I don't know if it's being hacked now. But it's being attacked."

Tahasan din sinabi ng aspiring Hollywood actress na napakadamot ng kapatid niya for 'emotional support.'

Saad ni BB, "Kahit konting suporta, Robin. Pag-uusapan natin 'yung financial kung aabot doon. Kung gusto mo pumunta doon, kung gusto mo sabihin.

"Pero emotional support lang ang pinanggagalingan ko.

"Kung emotional support ang pinag-uusapan, bakit napakadamot mo?

"Hindi mo ako sinuportahan emotionally dito sa struggle ko dito, sa dreams ko dito."

BB Gandanghari upset by family's lack of sympathy: "Hindi pala ako dramatic, manhid lang sila"

Tila nasaktan din si BB Gandanghari sa isang pangyayari sa 50th birthday celebration ng former action star noong August 2019.

Kuwento niya, "Fiftieth birthday mo, ano sasabihin mo sa harap ng maraming tao, 'Si BB ah huwag na muna nating pag-usapan.'

"Why are you dismissing me? You think what I'm doing here is easy?

"Robin, hindi nasusukat ng pera ang katatagan ng tao. Baka mas marami ka sa akin pera, oo.

"Pero baka hindi ka tumagal dito sa Amerika ng isang buwan. Kung pupunta ka dito ng walang pera."

"Hindi ako umiiyak, tapos na. I will not cry a tear for this family ever!"

Panoorin ang kabuuan ng pahayag ni BB Gandanghari sa kanyang vlog:

From matinee idol to a binibini: The colorful and transformative life of BB Gandanghari