Showbiz News

Quarantine diaries ng Dantes Squad, tampok sa KMJS!

By Dianara Alegre

Hindi exempted ang mga celebrity sa pinagdadaanan ng sambayanan ngayon bunsod ng banta ng COVID-19 at kabilang na riyan ang pamilya Dantes.

Kasabay ng pagdiriwang ng Mother's Day nitong May 10, ibinahagi ng Kapuso royalties ang kanilang araw-araw na pamumuhay habang naka-quarantine sa pamamagitan ng isang short film.

Sa eksklusibong panayam kina Dingdong at Marian ni Kapuso news achor-host Jessica Soho para sa Kapuso Mo, Jessica Soho, ibinagi nila na nag-set na sila ng routine o schedule sa gagawin nila sa araw-araw.

“'Yung routine na ginagawa naming, 'yun at 'yun parati pero naging maayos 'yun nu'ng nag-set kami ng routine,” ani Dingdong.

Ayon naman kay Marian, napagtanto nila na maiging magkaroon ng schedule ang bawat activity nila sa bahay.

“Na-realize nga po namin na kung magkakaroon kami ng schedule sa bawat gagawin namin a day, mas magiging maayos,” ani ng aktres.

Inamin din ng premyadong aktres na minsan na niyang pinangarap na manatili na lang sa bahay para mag-alaga ng pamilya kaya nagpapasalamat din siya na nagkaroon siya ng oras sa kanyang mga mahal sa buhay.

“Siyempre nakakalungkot na mayroon tayong pinagdadaanan, na maraming mga kapwa natin ang dumadanas ng hindi maganda.

“Nandito ako sa bahay, naaalagaan ko 'yung mga bata, naaalagaan ko siya [Dingdong], naluluto ko 'yung mga gusto niya,” dagdag pa ni Marian.

Sinabi rin ni Dingdong na sa loob ng mahabang panahon ay ngayon lamang siya pumirmi sa bahay ng matagal o lagpas dalawang buwan.

“For more than 20 years halos araw-araw akong nagta-trabaho, nasa location, kaya ibang klaseng experience ito para sa akin, manatili sa bahay for this long…na bihira mangyari,” sabi ng aktor.

“Nakakalungkot nga lang na it had to happen in this context pero para sa akin, sinusulit ko talaga 'yung oras kasama sila,” dagdag pa niya.


Marian Rivera and Dingdong Dantes's home date while in quarantine

Marian Rivera and Dingdong Dantes share family summer bonding day

Nagbahagi rin ang Kapuso couple tungkol sa kanilang mga nadiskubre sa mga anak nilang sina Zia at Sixto.

Anu-ano kaya ang mga ito?

Tunghayan ang quarantine diaries ng Dantes Squad sa espesyal na pagtatampok na ito ng Kapuso Mo, Jessica Soho: