GMA Logo Janine Gutierrez and siblings
What's Hot

Janine Gutierrez vlogs post-quarantine bonding with siblings

By Dianara Alegre
Published June 11, 2020 12:36 PM PHT

Around GMA

Around GMA

VP Sara Duterte decries plunder, graft raps filing as 'fishing expedition', cover-up for corruption
Food pack, tubig at iba pa, hatid ng GMAKF sa mga nasalanta ng Bagyong Tino sa Negros Island | 24 Oras
‘Wattwatch’ o Responsableng Pagamit sa Kuryente, Gilusad sa DOE-7 | Balitang Bisdak

Article Inside Page


Showbiz News

Janine Gutierrez and siblings


Janine Gutierrez and siblings enjoy each other's company in latest vlog!

For the first time ay nakasama na ni Kapuso leading lady Janine Gutierrez ang kanyang mga kapatid na sina Max, Diego, at Jessica sa isang vlog, na siyang naging post-quarantine bonding nila.

Sa vlog ng aktres na may title na “Sibling Tag,” ipinakilala ni Janine ang katangian ng kanyang mga kapatid. Pero hindi lang 'yan dahil ibinuking din nila ang mga katangian ng sa isa't isa sa publiko.

Dahil sa quarantine, mahigit dalawang buwan napirmi si Janine mag-isa sa kanyang bahay kaya tuwang-tuwa umano siya nang maibaba ang enhanced community quarantine at magkaroon silang magkakapatid ng tyansa na magkita-kita.

“Super happy kasi…actually, matagal ko na silang kinukulit na mag-vlog. Siguro ngayon napapayag ko sila dahil baka na-miss din nila ako,” aniya.
Gayundin, ibinahagi ni Janine na nagkita na rin sila ng boyfriend niyang si Kapuso actor Rayver Cruz.

✨✨ VLOG SUNDAY ✨✨ Sibling tag at 4PM!! Swipe to see their song number and let me know if you love this song. See you on @youtube at 4PM 👼🏻 @why.ph PS we are kinda wet because may consequence yung sibling tag 😂

Isang post na ibinahagi ni 🌺JANINE (@janinegutierrez) noong

Janine Gutierrez gets Silver Play Button Award

WATCH: Janine Gutierrez vlogs her adventure in New York City

Samantala, kahit nakasailalim na ang Metro Manila sa general community quarantine ay minabuti pa rin ng aktres na manatili na lang sa bahay.

“Personally nga kahit grocery, hindi na ako masyado naggo-grocery. Kung kaya, deliveries na lang.

“'Pag nasa labas ka parang natatakot ka. Gusto mo na rin talaga umuwi agad. Importante din talaga na kung hindi mo kailangan lumabas, 'wag ka na talaga lumabas.

Nitong Miyerkules, inanunsiyo niya na mayroon na siyang mahigit 200,000 YouTube subscribers at pinasalamatan din niya ang lahat ng kanyang supporters.

"Just hit 200K on YouTube. Thank you so much to everyone who's joined me on my channel, through comments, likes, views, everything! Will make more videos I hope you enjoy," aniya.

Janine Gutierrez thanks her 200K YouTube subscribers

Panoorin ang buong 24 Oras report: