
Ngayong Father's Day, ibinahagi ni Marian Rivera ang kanyang paghahanda para maging espesyal ang araw ni Dingdong Dantes.
Sa isang video ay ipinakita ni Marian ang kanyang pagluluto ng menudo na ang recipe ay mula pa sa kanyang lola.
Kasama rin dito ang mensahe niya para kay Dingdong ngayong Father's Day.
"Walang recipe ang buhay, pero alam mo kapag masaya ka na. Walang recipe ang pag-ibig pero alam mo kung siya na talaga."
Dagdag pa niya, "Walang perfect na mag-asawa pero may perfect para sa isa't isa."
Ang sikreto umano sa kanilang pagsasama ay ang pagiging perfect ni Dingdong bilang ama sa kanilang mga anak na sina Sixto at Zia.
"Sa ating pagsasama, ang missing ingredient, nahanap ko na. Ang araw-araw kong nasisilayan ang pagiging perfect mong ama."
Pagpapatuloy niya, "Maaaring hindi para sa iba. Pero sa amin nina Sixto at Zia, di ka lang perfect, the best tatay ka pa!"
Happy Father's Day, Dingdong!
Dingdong Dantes to launch a delivery app; showbiz workers to serve as riders
LOOK: Marian Rivera and her beautiful dried flower arrangements