
Hindi maipagkakailang anak ni “Da King” Fernando Poe Jr. (FPJ) si Lovi Poe nang ibahagi ng aktres ang kanyang male version sa tulong ng Face App.
Kuhang-kuha ni Lovi hindi lamang ang kakisigan ng kanyang ama ngunit pati na ang patilya nito nang gamitin niya ang naturang app upang magmukhang lalaki.
Ang kanyang male version, pinangalanan niyang si Lodi.
Ang kanyang pagbahagi ng litrato nilang mag-ama ay bahagi ng paggunita ni Lovi ng Father's Day kahapon, June 21.
Aniya, “LODI Poe's 'selfie first' before a car chase. Papatalo ba ko sa patilya ni Papa? Swipe left!
“Seriously though, wouldn't it have been so cool if Papa and I were able to shoot an action film together? In another lifetime... Happy Father's Day in heaven, Papa.”
Si Lovi ay anak ni FPJ sa dating aktres na si Rowena Moran.
MUST-SEE: Lovi Poe shows boxing moves, FPJ's throwback photos in her birthday greeting
LOOK: Celebrities try the famous Face App