GMA Logo Kim Idol
What's Hot

Ina ni Kim Idol, nanawagan ng dasal para sa kritikal na kondisyon ng komedyante

By Cherry Sun
Published July 9, 2020 11:15 AM PHT

Around GMA

Around GMA

DHSUD includes high-density housing as option in 4PH Program
Visually impaired soldier promoted from captain to major
Farm to Table: (December 14, 2025) LIVE

Article Inside Page


Showbiz News

Kim Idol


Isinugod sa ospital at naka-life support ngayon ang komedyanteng si Kim Idol.

Nanawagan ng dasal si Maria Argente, ina ni Kim Idol, matapos isugod sa ospital ang komedyante dahil sa komplikasyon ng brain ateriovenous malformation (AVM).

Noong 2015 unang nabalita ang rare medical condition ni Kim Idol kung saan nagkakaproblema ang pagdaloy ng dugo sa kanyang utak.

Nitong umaga, July 9, malungkot na ipinahayag ng kanyang ina na muling nagdurusa ang komedyante dahil sa AVM.

Panawagan ni Maria, “Please pray for my son Kim Idol for past recovery. I love you so much anak.”

Ayon sa isa pa niyang post, nagboluntartyo bilang frontliner laban sa COVID-19 ang kanyang anak ngunit ang kanyang dating sakit ang naglagay sa komedyante sa kritikal na kondisyon.

Dagdag niya, "Sa mga nakakakilala kay Kim Idol, patuloy tayong manalangin para sa kanya. Sinuong niya ang kanyang buhay para sa nangangailangan ng tulong bilang frontliner. Hindi siya nahawa, 'yung AVM, 'yun ang naging dahilan. Napagod at puyat marahil.”

Nanawagan na rin ng dasal ang mga kapwa komediyante at katrabaho ni Kim Idol tulad nina Super Tekla, Philip Lazaro, at Teri Onor.