GMA Logo dingdong dantes returns to taping for dots ph
What's Hot

Dingdong Dantes, ilang linggong mawawalay sa pamilya dahil sa pagbabalik-taping

By Jansen Ramos
Published August 27, 2020 3:47 PM PHT

Around GMA

Around GMA

No new regulations vs imported cars, modifications, tire age — LTO chief Lacanilao
Lea Salonga, Rachelle Ann Go part of 'Les Misérables' in Manila
#WilmaPH remains almost stationary over waters of E. Samar

Article Inside Page


Showbiz News

dingdong dantes returns to taping for dots ph


"Ina-anticipate ko na 'yung lungkot but kailangan, e," ani Kapuso Primetime King Dingdong Dantes, na sasailalim sa 12-day closed group shoot para sa pagbabalik ng 'Descendants of the Sun (The Philippine Adaptation)' sa telebisyon.

Kasado na ang pagbabalik-taping ng Descendants of the Sun (The Philippine Adaptation) sa susunod na linggo matapos itong mahinto sanhi ng COVID-19 quarantine.

Ito ay ayon sa Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes nang makapanayam siya ng GMANetwork.com at ng iba pang entertainment reporters sa virtual media coference noong para sa ika-15 anibersayo ng GMA Pinoy TV noong Martes, August 25,

"Ito at babalik na kami sa taping next week. So, tatapusin namin ang hindi namin natapos para buo nang mapanood ng ating mga Kapuso ang Descendants of the Sun both here and in abroad," masayang sambit ng 40-year-old actor.

Sasailalim ang cast ng Descendants of the Sun (The Philippine Adaptation) sa 12-day closed group shoot bilang pag-iingat sa banta ng COVID-19.

Ani Dingdong, malaking challenge ito para sa kanya dahil matagal siyang mawawalay sa asawa niyang si Marian Rivera, at kanilang dalawang anak na sina Zia at Ziggy.

"Malupit na challenge 'yon," bulalas ni Dingdong, na gumaganap sa papel ni Captain Lucas o Big Boss.

"Imagine after being together for more than five months and then, suddenly, malalayo ka ng mahigit dalawang linggo kasi hindi lang 12 days 'yun.

"Kasi on the 12th day, kailangan ng extra five days to make sure na makapag-self-isolate pa 'ko and then test again before going back home.

"So bilang ako 'yung lalabas, sisiguraduhin ko na walang maipapasok na kahit ano sa loob ng tahanan."

Diin pa niya, "It's really difficult."

Gayunpaman, committed si Dingdong sa kanyang trabaho kaya naman hindi siya nagdalawang-isip na ituloy ang taping alang-alang sa kanyang craft.

"Ina-anticipate ko na 'yung lungkot but kailangan, e.

"We have to move, we have to get things done, but ultimately, we have to tell the story, hindi pwedeng mawala 'yun, but there would be sacrifices.

"But again, ine-embrance namin namin ito," pahayag ni Dingdong.

QUARANTINE WITH FAMILY

Mahigit limang buwan mang naka-quarantine, hindi naman ito pinanghinayangan ni Dingdong dahil nagkaroon siya ng quality time kasama ang kanyang pamilya.

Dingdong Dantes and Marian Rivera with Zia and Ziggy

Bahagi niya, "Maganda na we have the five month period for us to bond even further and deeper.

"Kasi, these are the things na na-a-appreciate ko now because ito 'yung mga bagay na hindi ko nagawa pre-pandemic because parati kaming nasa labas, laging nagtatrabaho."

Aniya, nagkaroon pa siya ng chance na masaksihan ang ilang milestone ng kanyang bunsong anak na si Ziggy, 1.

"When this all started, my son wasn't even walking, now he's running and saying a few words so parang ang dami nang nangyari," pagbunyag ni Dingdong.

"So maganda 'yung oras ando'n kasi natutukan mo sila and I guess moving forward, 'yun 'yung value na dapat hindi mawala--'yung oras mo with your family, especially with your kids na you have to be there every milestone in their lives, to guide them, to even witness their development.

"I don't know if I'll be privileged to be there in every step of the way, but as much as possible, I will aim for that and 'yan 'yung isang bagay na natutunan ko sa nangyari at sa mga mangyayari."