GMA Logo Comedian Tekla
What's Hot

EXCLUSIVE: Tekla, may update tungkol sa kalagayan ni baby Angelo

By Cherry Sun
Published September 9, 2020 12:13 PM PHT
Updated September 9, 2020 4:34 PM PHT

Around GMA

Around GMA

OFW recalls experience saving child and old woman from HK residential fire
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Comedian Tekla


Kumusta na kaya ang ngayo'y two-month old na anak ni Tekla? Alamin sa exclusive interview ng komedyante rito.

Nag-umapaw sa pasasalamat si Tekla nang magbigay siya ng update tungkol sa kanyang anak na si baby Angelo.

Tekla

Bago magtapos ang Hunyo, malungkot na ibinahagi ni Tekla ang pinagdadaanan ng kanyang bagong silang na anak. Ipinanganak kasi si baby Angelo na may anorectal malformation o walang butas sa kanyang puwit.
Ilang araw palang simula nang siya'y isinilang, sumailalim na agad si baby Angelo sa kanyang unang operasyon. Nang mag-isang buwan naman siya ay sumailalim siya sa kanyang ikalawang operasyon.

Mahigit dalawang buwan matapos ang kapanganakan ng kanyang anak, masayang ibinalita ni Tekla na ligtas at malusog na si baby Angelo ngayon. Ito ang kanyang ikinuwento nang makipagkumustahan siya at ang kanyang co-host na si Boobay sa kanilang fans sa pamamagitan ng video conference kahapon, September 8.

Pahayag ni Tekla, “In God's will at sobrang blessed 'yung baby ko. After all ng dagok, we're fighting for almost two months sa hospital, nakikipaglaban… and I should say that we won the battle against sa pinagdadaanan ng baby ko and sobrang miraculously he survived sa kanyang two major surgeries, sa neuro niya, lahat-lahat.

“At his young age, sobrang miracle baby talaga. Hindi mo akalain na sa ganung edad ay makakayanan niya 'yung ganung kabigat na operation. Now, sobrang healthy niya. Ang lakas dumede at saka sobrang likot, makulit kaya medyo napupuyat ako kasi kailangan pa rin siyang tutukan from time to time pero all in all, he's safe, he's okay dahil na rin po of course sa mga nagdarasal sa kanya at mga tumulong.”

Panatag ang loob ni Tekla ngayon at ito ay dahil na rin sa mga naghandog ng tulong at dasal sa kanyang pamilya.

Patuloy ng komedyante, “Of course nandyan 'yung GMA. Sa lahat po ng nagpaabot ng panalangin para kay Angelo, talagang pinanghawakan namin 'yun. And thanks God, nagwagi kami sa battle. Thank you, thank you! Sobrang gift sa akin ni God 'to. Kumbaga, higit sa lahat, ito 'yung pinaka-gift niya na makita ko 'yung anak ko na healthy at 'yung na-survive niya, nalampasan niya lahat ng pagsubok at his young age. Two months old pa po si Angelo but now he's okay, very, very okay. Thank you, Lord!”

Kasabay nang magandang balitang ito tungkol sa kanyang anak ay ang isa pang mabuting balita tungkol naman sa kanyang karera. Nagbalik-taping na kasi muli ang The Boobay and Tekla Show (TBATS) at mapapanood ang fresh episodes nito simula ngayong Linggo, September 13.

Kung gusto n'yo rin maka-bonding ang inyong favorite Kapuso stars, sumali na sa Kapuso Brigade. Just message them via Facebook, Twitter or Instagram: @kapusobrigade.