GMA Logo Vic Sotto Pauleen Luna baby Tali
What's Hot

Lolit Solis, hiling na sundan na nina Vic Sotto at Pauleen Luna si Baby Tali

By Cherry Sun
Published October 19, 2020 11:58 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Pinoys attend Simbang Gabi at St. Peter's Basilica officiated by Cardinal Tagle
Farm to Table: (December 21, 2025) LIVE
Content creator Arshie Larga reveals his biggest investment in 2025

Article Inside Page


Showbiz News

Vic Sotto Pauleen Luna baby Tali


“Mas lalo siguro babata ang feeling ni Vic pag nadagdagan si Talitha ng kapatid.” Alamin kung ano ang napansin ni Lolit Solis tungkol sa pamilya nina Vic Sotto, Pauleen Luna at baby Tali:

Hiling ni Lolit Solis na sana ay sundan na nina Vic Sotto at Pauleen Luna ng isa pang kapatid si baby Tali.

Vic Sotto Pauleen Luna baby Tali

Ani Lolit, pansin niyang masaya ang pagsasama nina Vic at Pauleen dahil laging present at involved ang mag-asawa sa milestones ng kanilang unica hija.

Wika niya, “Iyon happy married life nila Pauleen at Vic Sotto Salve, malaking factor dito iyon pagiging very hands on nila kay Talitha.

"Mismo ngang si Vic ang nagsabi na kay Talitha lahat ng first major steps ng paglaki nito nakita niya at na enjoy. Iyon first step, first talk, first word, lahat ng pagbabago nakita niya personally dahil hands on nga sila ni Pauleen sa pag-aalaga kay Talitha.

“Kaya nga siguro lumalaking matalino ang bata at very confident dahil dama niya ang pagmamahal ng nanay at tatay niya. Precious gem talaga si Talitha sa mag-asawa kaya nga happily bonded sila together kahit pa nga may quarantine.”

Dahil dama rin ng beteranong talk show host at manager ang saya nina Pauleen at Vic, naisip niyang mas mapupuno ng ligaya at pagmamahal ang tahanan nito kung masundan pa si baby Tali.

Sambit ni Lolit, “Sana nga ay magkaroon na ng kapatid si Tali para mas lalong sumaya ang Sotto household nila Pauleen at Vic.

"Mas lalo siguro babata ang feeling ni Vic pag nadagdagan si Talitha ng kapatid. Hay naku, energizer talaga ang mga bata sa bahay, kaya naman mas inspired ang mga parent nila.”

Iyon happy married life nila Pauleen at Vic Sotto Salve, malaking factor dito iyon pagiging very hands on nila kay Talitha. Mismo ngang si Vic ang nagsabi na kay Talitha lahat ng first major steps ng paglaki nito nakita niya at na enjoy. Iyon first step, first talk, first word, lahat ng pagbabago nakita niya personally dahil hands on nga sila ni Pauleen sa pag-aalaga kay Talitha. Kaya nga siguro lumalaking matalino ang bata at very confident dahil dama niya ang pagmamahal ng nanay at tatay niya. Precious gem talaga si Talitha sa mag-asawa kaya nga happily bonded sila together kahit pa nga may quarantine. Sana nga ay magkaruon na ng kapatid si Tali para mas lalong sumaya ang Sotto household nila Pauleen at Vic. Mas lalo siguro babata ang feeling ni Vic pag nadagdagan si Talitha ng kapatid. Hay naku, energizer talaga ang mga bata sa bahay, kaya naman mas inspired ang mga parent nila. #classiclolita #takeitperminutemeganun #73naako

A post shared by LolitSolisOfficial (@akosilolitsolis) on