Showbiz News

Daddy Dick ni Ice Seguerra, pumanaw na

By Al Kendrick Noguera

Binawian na ng buhay ang ama ni Ice Seguerra na si Decoroso Seguerra, na kilala rin bilang Dick, ngayong Linggo, November 15.

Sina Ice at asawa niyang si Liza mismo ang nagbahagi ng malungkot na balita sa social media.

"Our family is saddened to announce the passing of our beloved, Decoroso "Dick" Seguerra. Umakyat na siya sa heaven bandang tanghali ngayong Nov. 15, 2020 para makipagvideoke kina Matt Monroe at Frank Sinatra," saad ni Ice.

Kalakip ng mensahe ni Liza para kay Daddy Dick ang larawan ng huling tagpo ng mag-ama na kuha ngayong umaga.

"'I love you, pogi' this is what Daddy fondly tells Ice. Ice would say I love you back then sing him his favorite songs. But today is special because Ice finally got the chance to tell daddy something that he's never told him before... As he was standing by his side, he held his hand and said. "Thank you, daddy...for being the BEST dad.

"Daddy, rest ka na. No more pain. Thank you for loving me like your own daughter. Wag po kayong mag-alala, aalagaan ko po at mamahalin ko po si Ice, and the whole family like the way you loved them."

Matatandaang ibinahagi ni Ice na nakikipaglaban sa prostate cancer ang kanyang ama.