
Ibinahagi ni Meryll Soriano ang kanyang second pregnancy experience sa kanyang Instagram account.
Thirty-eight years old si Meryll nang isilang niya ang kanilang anak ng aktor na si Joem Bascon kaya aminado ang aktres na hindi naging madali ang kanyang pagbubuntis.
Ika ni Meryll, "Pushed my heart out.
"7lbs. 20 in. 10hrs. of labour.
"Normal birth delivery.
"We welcomed our beautiful boy."
Ayon kay Meryll, nagkarooon siya ng anxiety sa huling semester ng kanyang pagbubuntis at na-diagnose ng gestational diabetes kaya pinagbawalan siyang kumain ng matatamis hanggang manganak.
"I also acquired Gestational Diabetes (GDM) on my 6-7 month of my pregnancy. Which meant 4 x a day of glucose tests, 4 x a day of insulin shots and nth goodbyes to donuts, chocolates and cakes until I give birth."
Dahil sa kanyang maselang pagbubuntis, nagsumikap si Meryll na maging healthy ang kanyang pangangatawan.
Aniya, "So, I worked out 4-5 x a week, healthy food intake and baby yoga as much as I could. It was hard work and it was difficult and tiring most of the time. But, again, my age is a factor. I did what was needed to be done.
"Voila! I made it. I did it! I am so proud to have a healthy pregnancy and safe delivery."
Nagpasalamat din si Meryll sa kanyang partner na si Joem, na kung tawagin niya ay "Dud," kanyang obstetrician-gynecologist, at mga doktor at nars na umaalalay sa kanyang pagbubuntis.
Sabi ni Meryll, "He [Joem] helped me stay on track. He stopped buying Cloud 9 and HawHaw. He did pregnant workouts with me. And, there are no words to explain the taking-care-of-me part. He's the best. Thank you so much, Dud."
Patuloy pa niya, "Special thanks to my rockstar OB. She has been my doctor since even before I got pregnant with Eli. I can't thank her enough. Thank you to all the doctors and nurses that took care of us while we were in MMC."
Thirteen years old na ang panganay ni Meryll na si Elijah, anak niya sa dating asawang si Bernard Palanca.
Ayon kay Meryll, sampung taong gulang pa lang si Elijah ay humihiling na ito ng kapatid.
Sambit ng aktres, "We are the happiest to get to share this experience to our parents and family. Family is everything. And, to Kuya Eli, who has been secretly wishing for a brother since he was 10. Bless his heart."
Ibinunyag ni Meryll na may anak sila ni Joem noong Bagong Taon.
Ilan lamang sa mga nagpaabot ng pagbati kay Meryll ang kanyang amang si Willie Revillame at tita niyang si Maricel Soriano. Tingnan ang nakaka-inspire na modern family setup ni Meryll dito:
Matatandaang unang naging magkasintahan sina Meryll at Joem noong 2008, kung kailan nagkatrabaho sila sa isang serye. Naghiwalay ang dalawa matapos ang mahigit isang taon.
January 2020 noong napabalitang nagkabalikan sina Meryll at Joem nang magdiwang ng Bagong Taon si Joem kasama ang pamilya ni Meryll.
Spekulasyon na muling nabuo ang pagmamahalan nila nang magkasama sila sa isang serye at sa pelikulang Culion noong 2019.
Bago magbakabalikan sina Meryll at Joem, karelasyon ng huli ang Bisaya vlogger na si Crisha Uy.
December 2019 noong kinumpirma ni Joem na hiwalay na sila ni Crisha matapos ang walong taon.