What's Hot

Ina ni Jean Garcia, mahigit 10 ospital ang pinuntahan bago na-admit

By Dianara Alegre
Published April 8, 2021 11:51 AM PHT
Updated April 8, 2021 1:40 PM PHT

Around GMA

Around GMA

EU drops 2035 combustion engine ban as global EV shift faces reset
Dawn fire razes 7 houses in Estancia, Iloilo
Japanese lifestyle brand unveils limited edition 'Evangelion' merch collection

Article Inside Page


Showbiz News

jean garcia


Sa edad na 70 ay binawian ng buhay ang ina ng aktres na si Jean Garcia.

Ibinahagi ng aktres na si Jean Garcia na kamakailan ay binawian ng buhay ang kanyang ina dahil sa COVID-19. Ito ay 70 taong gulang.

Ayon sa aktres nang makapanayam ng 24 Oras, walang ipinakikitang sintomas ng sakit na ina pero napansin niya ang biglaang pagtamlay nito.

Source: chic2garcia (Instagram)

“Wala naman siyang fever, no cough, no colds, no difficulty of breathing. Wala namang ganun si mommy. Humina lang kumain,” aniya.

Makalipas ang limang araw matapos mapansin ang panghihina ng ina, nagpasya si Jean na dalhin na siya sa ospital noong March 23 ng 2:00 ng madaling araw.

Pero hindi kaagad na-admit sa ospital ang nanay niya.

“Nag-hospital hopping pa,” anang aktres.

"“Siguro more than 10 [ospital] kasi 2:00 a.m., e, nakapasok siya sa Cardinal [Santos Medical Center] 3:00 p.m. e. Ganun kagrabe.”

Noong lang din nalaman ng pamilya ni Jean na positibo sa COVID-19 ang kanyang ina.

Ayon kay Jean, hindi naman sila lumalabas ng bahay kaya paanong mahahawa ito ng sakit.

“Hindi naman tayo lumalabas, hindi rin siya lumalabas, anong nangyari.

"So, sabi ko pa-test n'yo ulit, pina-test ko pa. Nagdalawang beses pa kami ng test. Talagang positive,” aniya.

Teorya ng aktres, nahawa ang nanay niya sa caregiver nito na nag-positive rin sa COVID-19 ngunit asymptomatic.

Sa kasalukuyan ay naka-isolate na ngayon sina Jean sa bahay at maging aral daw sana sa iba ang kanilang naging karanasan.

“Kung maiiwasan natin, iwasan na lang natin.

"'Wag na tayong tumigas ang ulo. Isipin na lang natin hindi na sarili natin, isipin na lang natin 'yung pwede mong mahawaan. Wag ka na lang lumabas,” umiiyak niyang sabi.

“Hurting kami ngayon ng pamilya ko pero may mas mga nauna pa na namatayan din ng mahal sa buhay, 'di ba, masakit talaga. Masakit talaga. Sana lesson kasi COVID-19 is real. Hindi siya biro isa siyang plague,” dagdag pa niya.

Patuloy pa rin ang pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa bansa.

Samantala, narito ang ilang pang mga celebrity na tinamaan ng COVID-19.